Part 46

20.8K 665 31
                                    


SA IKATLONG LINGGO mula nang magkita uli sila ni Maki, natagpuan ni Allen ang sarili na naglalakad papunta sa parke na malapit sa martial arts studio. Lunes at walang taekwondo session ang klase niya sa araw na iyon kaya marami siyang libreng oras.

Ang orihinal niyang plano ay pumunta sa convenience store para bumili ng mamemerienda pero nilampasan niya iyon para magpunta sa park. Malayo pa lang siya nakita na niya ang binata. Nakaupo sa isang bench doon at nakatutok ang tingin sa playground kung saan may mga batang naglalaro. Kupas na pantalon, tsinelas at maluwag na hooded jacket na naman ang suot nito. Napansin din niya na may hawak itong ipad na nakapatong sa isang hita nito habang sa kabilang hita naman ay nakapatong ang kamay nito, gumagalaw-galaw ang mga daliri. Mukhang malalim ang iniisip.

Huminto sa paglalakad si Allen at kumuyom ang mga kamao. Ang isip niya sinasabing tumalikod at lumayo. Pero may mas malakas na udyok sa loob niya na sinasabing lumapit siya sa binata at kausapin ito. Nanuyo ang lalamunan niya at bumilis ang tibok ng puso niya. Lalo at bago pa niya mamalayan ay humahakbang na ang mga paa niya, lumalapit na rito.

Biglang huminto ang pagtapik ng mga daliri sa hita nito. Nakita niya nang dumeretso ito ng upo at para bang naramdaman ang presensiya niya na dahan-dahan itong lumingon. Nagtama ang kanilang mga paningin. Sandaling bumakas ang pagkagulat sa mga mata nito bago naging matiim ang titig nito sa kaniya. Hindi ito kumilos, hinihintay lang na makalapit siya. Lumunok si Allen, medyo naduwag pero nagpatuloy sa paglalakad hanggang nakatayo na siya sa harapan nito.

"Mahilig ka nga tumambay dito," mahinang sabi niya.

Ngumiti ito at tumango. Pagkatapos umusod ito at tinapik ang espasyo sa tabi, pinapaupo siya. Huminga siya ng malalim at tumalima. May ilang pulgada pang distansiya sa pagitan ng mga katawan nila pero damang dama niya ang init na nagmumula rito. Tumatayo tuloy ang mga balahibo niya na para bang may kuryenteng humahaplos sa balat niya.Tumikhim siya. "Salamat sa mga padala mong bulaklak at pagkain. Tuwang tuwa ang mga katrabaho ko."

"I'm glad to hear that."

Nilingon niya ito. Medyo na-caught off guard siya kasi nakatitig pala ito sa mukha niya at may masuyong ngiti sa mga labi. "P-pero gusto kong itigil mo na ang pagpapadala."

"Gagawin ko lang 'yon kapag willing ka na kausapin at pakinggan ako. This is not a threat by the way. I enjoy sending flowers and food to you."

Bumuntong hininga siya. "Magastos ang ginagawa mo."

"Don't worry about that."

Naningkit ang mga mata ni Allen. Gusto magtanong kung paano nito afford magpadala ng mamahaling bulaklak at pagkain mula sa mamahaling restaurant. Pero hindi niya alam kung paano.

Lumawak ang ngiti nito, mukhang nababasa ang tumatakbo sa isip niya. Pagkatapos itinaas nito ang ipad. "I'm a System Engineer now. Ayos naman ang kita kaya huwag ka mag-alala sa akin."

"Hindi ka na hacker?" Nagulat siya sa sarili niyang tanong. Wala siyang balak magbanggit ng related sa nakaraan kaya bakit bigla niyang nasabi iyon?

Lumamya ang ngiti nito at tumikhim. "Actually, I'm also a reverse hacker right now."

Kumunot ang noo niya. "Ano 'yon?"

"In layman's term, legal na hacker. I help companies secure their computers, system and networks. Sinusubukan kong pasukin ang system nila, hinahanapan ng kahinaan pagkatapos tutulong akong ayusin ang system para walang ibang hacker ang makakasira ng security na ginagawa namin."

Hindi napigilan ni Allen ang bumilib kay Maki. Well, alam naman niya na kahit anong mapili nitong propesyon ay magiging magaling ito roon. Tumango-tango siya. "Mabuti naman itinuloy mo ang pag-aaral." Gusto sana niya sabihin na sobra siyang naging worried nang hindi na ito sumulpot uli sa university. Na kahit ang brothers nito sa fraternity ay siya ang kinukulit kung ano ang nangyari rito pero wala siyang maisagot. Inalis niya ang tingin sa mukha nito at tumitig sa playground. Unti-unti nang dumadami ang mga batang naglalaro doon. "Hindi mo kailangan pumasok sa opisina araw-araw?"

"No. I work at home. Sa gabi rin ako nagtatrabaho since may insomnia ako. I might as well be productive when I could not sleep. Kapag kailangan ko ng bagong ideya o kapag gusto ko lang magpahangin, lumalabas ako at tumatambay dito. Though nasasabihan akong bum ng mga bata kasi palagi nila akong nakikita rito," amused na sagot ni Maki.

Napatingin tuloy uli siya sa mukha nito. Tinitigan niya itong maigi. Umangat ang mga kilay nito. "Bakit?"

"Nag-iba ka," komento niya. "Mas kalmado ka na ngayon, hindi katulad dati. Madaldal ka na rin at palaging nakangiti."

Sandali itong natigilan bago sumeryoso ang mukha. "Sa'yo lang ako ganito, Allen."

Siya naman ang natigilan. Parang nilamutak ang sikmura niya at kinailangan niya mag-iwas ng tingin kasi kung hindi matutunaw ang puso niya sa titig nito. Matagal na natahimik sila pareho.

Si Maki ang unang nagsalita mayamaya. "Saka, hindi ko maiwasan ngumiti ngayon kasi masaya akong lumapit ka sa akin at nakikipag-usap ka na."

Huminga siya ng malalim at ikinuyom ang mga kamao. "Fine. Pag-usapan na natin 'to para matapos na, okay? Ano ba ang nangyari nine years ago? Bakit bigla kang nawala nang walang paalam? Bakit iniwan mo ako kahit sabi mo mananatili ka sa tabi ko palagi? Bakit hindi ka nagpunta sa burol ni papa? Bakit ngayon ka lang uli nagpakita sa akin? Bakit –"

"Allen," worried na tawag nito sa kaniya.

Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at pumikit. Shit. Nanginginig ang boses niya.

"I will always regret it, that day your father died. Kasi para sa akin, ako ang may kasalanan kaya siya nawala."

Napadilat siya. Nilingon si Maki at nabigla sa emosyon na nasa mga mata nito. "He was the only father figure I ever had, you know. But he died because of me. Alam ko na kung sarili ko nga hindi ko mapatawad, wala akong karapatan na hilingin sa'yo na patawarin ako. It's just that... I want to tell you that I didn't want to leave you alone. Kaso wala akong choice. Kung nagpumilit akong puntahan ka noon, sigurado na pati ikaw mapapahamak. At ayoko mangyari 'yon. I was a weak and helpless teenager back then, Allen. Even now, I hate the me from nine years ago. Umakto akong matanda, gumawa ng mga maling desisyon at sumira ng mga pangako. So I sincerely apologize for everything that happened. I'm so sorry."

Uminit ang mga mata niya at may bumara sa lalamunan niya. Nagbaba siya ng tingin at marahang tumango. Hindi niya pa kaya sabihin na napatawad na niya ito kasi kasinungalingan iyon. Hindi pa rin niya kaya ibigay ang buong tiwala rito. Mas lalong hindi niya alam kung kaya ba niya itong papasukin uli sa puso niya.

Pero gusto rin niya marinig ang side nito sa mga nangyari mula nang mabaril ang papa niya hanggang sa kasalukuyan. Gusto niya malaman kung anong klaseng tao na si Maki Frias.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon