Part 62

21.6K 671 37
                                    


BUMILIS ang tibok ng puso ni Allen nang ipasok ni Maki ang kotse sa lower ground parking lot ng Bachelor's Pad. Alam na niya kung saan siya nito balak dalhin. Sa penthouse.

"Actually, isa sa rules sa building na ito ay bawal ang bisita, lalo na kapag babae. Kaya hindi alam ng mga residente na babae ang night janitor namin. Kami lang ni Keith ang nakakaalam. Pero walang makakapansin sa'yo ngayon kasi lately halos walang tao rito kapag ganitong oras," sabi nito habang sakay sila ng elevator na paakyat sa ground floor.

Manghang napatitig siya kay Maki. "Bakit may ganoong rule? Ikaw ang gumawa 'non?"

Umiling ito. "Akala nila ako. Pero si Keith talaga ang nag suggest sa akin ng rule na 'yon. Pumayag lang ako dahil ayokong maraming tao na hindi ko kilala ang pumapasok sa building ko. Alam mo na, may tinakbuhan din akong sindikato noon 'di ba?"

"At si Keith? Bakit ayaw niyang may papasuking babae rito? Hindi naman siya mukhang anti-social. Katunayan masyado nga siyang friendly na hindi ko maiwasan maging ilag sa kaniya."

Mukhang nagulat si Maki sa sinabi niya pero nagsalita lang nang nakalabas na sila ng elevator at naglalakad na sa hallway. "Totoo na friendly si Keith pero mas marami pang itinatago 'yon kaysa sa akin. Nangingielam siya sa buhay ng iba kasi ayaw niyang mapunta sa sarili ang focus ng ibang tao. At hindi ko alam kung bakit ayaw niya magpapasok ng mga babae dito. Katunayan sa pagkakatanda ko, ang mga babae lang na nakita kong kinausap niya ay si Matilda, ang mga kapartner ng mga residente rito at ikaw. It's as if he's more at ease when the woman is already taken or interested in someone else."

"Ang weird naman."

Tumango ang binata. "The truth is, he really hates talking about himself and he's more guarded and secretive than me. Sa tingin ko, subconsciously nararamdaman mo 'yon kaya ilag ka sa kaniya. Allen, I really think you have a keen sense when it comes to judging people."

Mabuti na lang kinailangan nila sumakay uli ng elevator. Naitago niya ang tunay na dahilan kung bakit bigla siyang natahimik. Tinamaan kasi siya sa huling sinabi ni Maki. Sa tingin niya hindi totoo na magaling siya bumasa ng tao. Hindi nga ba at nagtiwala rin siya sa ex-boss niya kaya na-take advantage siya?

Napakurap siya nang huminto ang elevator at may narinig siyang mahina at sunod-sunod na tunog na parang alarm. Pagkatapos nagulat siya nang itapat ni Maki ang hinlalaki nito sa maliit na square na kahilera ng mga number buttons. Umilaw iyon, tumigil ang tunog at bumukas ang pinto. Napanganga siya. "Matagal ko na napansin na may square button sa elevator na ito na wala sa iba pero binalewala ko. Ano 'yon?"

"Finger print sensor. Sinadya ko pumili ng design na hindi kapansinpansin. Sa akin at kay Keith lang ang nakaregister sa system kaya kami lang ang puwede pumasok sa penthouse. Unless nasa loob ako at puwede kong pagbuksan ang kung sino mang dumating. Come in," sabi ni Maki na ginagap ang kamay niya at hinila na siya palabas ng elevator.

Kung nagulat siya sa high tech feature ng elevator, lalo naman siyang namangha sa hitsura ng penthouse. Hindi niya akalain na posibleng magkaroon ng ganoon kagandang tirahan. Mas maganda pa iyon kaysa sa mga nakikita niyang larawan sa lifestyle at home magazines. Kung ganoon naman pala ang bahay ni Maki, hindi na siya nagtataka na natatagalan nitong magkulong lang doon. It's just so beautiful.

"Sa tingin ko may pagkain pa sa ref na puwede natin i-microwave. Sorry, freezer food lang ang meron ako. But I can assure you that it is tasty and healthy. Nutritionist ang nag pe-prepare ng pagkain ko," sabi ni Maki na hinila naman siya papunta sa kusina.

Pinaupo siya nito sa high stool paharap sa kitchen island. Iginagala pa rin niya ang tingin sa paligid habang hinahanda naman ng binata ang kakainin nila. Huminto lang siya sa pagmamasid nang may ilapag itong kopita sa harap niya. Napatingin siya sa mukha nito. Nang magtama ang mga paningin nila ay ngumiti ito at itinaas ang hawak na bote. "Red wine?"

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon