Part 42

21K 634 37
                                    


"Allen? Anong problema?" nagtatakang tanong nang isa nang lumabas uli ang dalaga, ni hindi lumingon. Sa kaniya tuloy napatitig ang mga kasama nito. Nakanganga ang mga ito at halatang manghang mangha. Katulad ng reaksiyon ng karamihan sa mga taong nakakakita sa kaniya.

Biglang natauhan si Maki. Huminga siya ng malalim at mabilis na tumakbo rin palabas ng martial arts studio. Hindi pa nakakalayo ang dalaga kaya naabutan niya ito kaagad.

"Allen!" Hindi ito lumingon. Na-frustrate siya. Hinawakan niya ang braso nito at sinubukan itong pihitin paharap sa kaniya. Nagkaharap man sila ay matalim naman ang tingin nito sa kaniya. Pagkatapos nagulat siya sa sumunod na ginawa nito. Umigkas ang isang kamao nito at sinuntok siya sa sikmura.

Kung katulad pa rin siya ng dati na walang formal training at exercise, malamang napaluhod na siya sa sahig sa puwersa ng suntok ng dalaga. Still, nanginig pa rin ang mga tuhod niya at nabitawan ang braso nito.

"Ugh. That hurts," nakangiwing angal ni Maki.

"Masakit? Talaga?" nanlalaki ang mga mata na sigaw ni Allen. Hinablot nito ang kuwelyo ng suot niyang t-shirt. Napayuko siya hanggang halos magdikit na ang mga mukha nila kaya lalo niyang nakita ang galit at pait sa mga mata nito. "'Yang sakit na naramdaman mo, wala 'yan sa sakit na naramdaman ko nine years ago. Sa tingin mo puwede kang mawala at sumulpot nang ganoon na lang? Sa tingin mo matutuwa akong makita ka pagkatapos ng maraming taon? Na basta magpakita ka lang sa akin ngingitian kita at tatanggapin ka uli sa buhay ko? Don't make me laugh, Maki Frias. Ayoko na ma-involve sa isang lalaking sinungaling at hindi tumutupad sa pangako."

Marahas na binitawan nito ang kuwelyo niya. Malamig ang tingin na ipinukol nito sa kaniya. Manghang napatitig lang siya sa mukha ni Allen. Sumikip ang dibdib niya. Kasi naging reyalidad ang bangungot na gabi gabing dumadalaw sa kaniya mula pa noon. Ganitong ganito ang hitsura ng dalaga sa mga panaginip niya. Hindi niya ito masisisi kung galit ito sa kaniya at ayaw na siya nitong makita. But it still hurts.

"I'm sorry," bulong ni Maki. "I'm sorry," ulit niya sa mas malakas na boses. Huminga siya ng malalim at humakbang palapit kay Allen. "I can explain..."

"Kahit huwag na," matalim na sagot nito, umatras na naman kaya lumaki na naman ang distansiya sa pagitan nila. "Hindi ako interesadong malaman. Hindi ko alam kung bakit nandito ka pero puwede bang huwag ka na bumalik?"

Nasaktan siya sa mga sinabi nito. Mariing tumiim ang kanyang mga labi at pinakatitigan si Allen. "Is that really what you feel?" seryosong tanong niya.

Humalukipkip ang dalaga at itinaas ang noo. Pero hindi ito nagsalita. Hindi tumango at hindi rin umiling. Katunayan, hindi siya nito matingnan sa mga mata.

"Alam ko na galit ka sa akin at naiintindihan ko. Malaki ang kasalanan ko sa'yo. At alam ko na hindi tama na bigla na lang akong nawala na hindi nagpapaliwanag. Pero maniwala ka sa akin na kaya ko ipaliwanag ang lahat."

"Sinabi ko na sa'yo na hindi ako interesado malaman!"

"Allen. Anong ginagawa mo sa bisita ko?"

Sabay silang napalingon kay Mr. Kim na nakatayo sa labas ng pinto ng martial arts studio. He was looking at Allen disapprovingly. Napasulyap si Maki sa dalaga na namula ang mukha. "Sorry po." Tinapunan siya nito ng matalim na tingin bago tumalikod at dere-deretsong naglakad palapit sa pinto kung saan nakasilip ang mga kasamahan nito na halatang kanina pa sila pinapanood. Mayamaya pa pumasok na ang mga ito sa loob ng studio at sumara ang pinto.

Huminga ng malalim si Maki, nalaglag ang mga balikat at nakuyom ang mga kamao. That didn't go well. Inaasahan na niya iyon pero mabigat pa rin sa pakiramdam.

"Hindi ba totoo ang sinabi mo sa aking dahilan kaya ibinigay mo sa amin ang tv? Sabi mo para kay Yona at sa mga bata pero iyon ba talaga ang totoo? Hindi mo nabanggit na magkakilala kayo ni Allen," sabi ni Mr. Kim makalipas ang mahabang sandali.

Napunta sa matandang koreano ang tingin niya. Bumuntong hininga siya at umiling. "I didn't lie. Pero totoo na magkakilala kami. Nalaman ko lang na teacher siya rito nang iresearch ko ang martial arts studio mo." Tumitig uli siya sa nakasarang pinto. "Maybe I should go now."

"Hindi puwede. Kailangan mo humarap sa mga bata."

Tatanggi pa sana siya uli kaso narinig na niya ang masayang tili ni Yona. "Mr. Bum! Nandito ka! Mama, siya 'yung sinasabi ko sa'yo na kaibigan ko mula sa playground." Bumitaw ang bata sa kamay ng isang magandang babae. Petite ito at mukhang kasing tanda lang niya kaya kung hindi ito tinawag na 'mama' ni Yona ay hindi niya maiisip na may anak na ito.

"Dala mo na ang tv?" masayang tanong ng bata nang makalapit ito sa kaniya.

Sa kabila ng mga nangyari kani-kanina lang ay tipid na napangiti si Maki habang nakayuko sa bata. "Oo. Naikabit na namin ni Mr. Kim."

"Yehey! Titingnan ko na, Mr. Bum ha?" Pagkatapos mabilis na tumakbo ang batang babae papunta sa studio.

"Yona! Huwag ka tumakbo baka madapa ka."

"Okay lang ako mama. Hindi po ako lampa."

Bumuntong hininga ang ina nito at lumapit sa kaniya. Ngumiti ang babae at inilahad ang kamay. "Salamat sa pagtitiyaga sa kakulitan ng anak ko. Ako si Sylve."

Alanganin niyang tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Maki," sagot niya. Medyo nakayuko pa rin siya kaya alam niyang natatakpan ng baseball cap ang upper half ng mukha niya. Mukhang hindi naman ito interesadong tingnan siya kasi nang matapos ang shakehands nila ay si Mr. Kim na ang kinausap nito. Nakahinga siya ng maluwag. Ayaw na niya madagdagan pa ang taong tumititig sa mukha niya sa araw na iyon.

Mayamaya pa narinig niyang ibinilin ni Sylve si Yona kay Mr. Kim at saka nagmamadaling umalis.

"So ano na ang plano mo ngayon, Maki? Papasok ka ba sa loob o hindi?" makahulugang tanong sa kaniya ng matandang koreano.

Napatitig siya sa pinto kung saan pumasok si Allen. Maduduwag ba siya at aalis o haharapin ang galit ng dalaga? Habambuhay ba siyang magtatago sa penthouse at makukuntento na lang na panoorin ito sa malayo?

Hindi ako puwede maging recluse at duwag habambuhay. Hindi na siya ang mahina at helpless na teenager na hindi nagawang protektahan ang mga mahalaga sa kaniya. He's already an adult. At kailangan niya iyon patunayan lalo na sa sarili niya.

"So?" nakangiting tanong ni Mr. Kim na mukhang nababasa ang tumatakbo sa isip niya. For some reason, he reminds him of Jovit Magsanoc.

Huminga ng malalim si Maki bago sumagot, "Papasok ho ako sa loob."

Natutuwang inakbayan siya nito. "Good. I like you, young man." Pagkatapos akbay pa rin siya na naglakad na sila palapit sa pinto at papasok sa martial arts studio.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon