Part 21

19.5K 585 8
                                    


TAHIMIK na nakalapit si Allen sa tabi ni Maki. Hindi pa rin ito lumilingon kasi nakasuot ng headphone at tutok sa kung anong ginagawa sa computer. Huminga siya ng malalim at nakangiting tinapik ang balikat nito. Gulat na tumingala ito. At halatang lalong nagulat nang makitang siya ang nasa tabi nito.

Biglang hinubad ni Maki ang headphone at mabilis na tumayo. "What are you –?"

"May klase kami rito ngayon," mabilis na putol niya sa itatanong pa lang nito. "Block niyo ba ang nag class dito ngayon-ngayon lang? Nakaalis na ang classmates at professor mo. Kami naman dito."

Kumurap ang binata at biglang sumulyap sa pinto ng computer lab. Pumapasok na ang ibang kaklase niya at iginagala na ang mga tingin, naghahanap nang mapupuwestuhan. Nagulat si Allen nang mahina itong magmura at mabilis na umupo uli. "Go. May iba akong ginagawa rito." Iwinasiwas pa nito ang kamay, itinataboy siya.

Kumunot ang noo ni Allen at tinitigan si Maki. Nakatutok na ang tingin nito sa computer screen. Nang silipin niya iyon, puro numero, letra at kung anu-anong simbulo ang naroon.

"Miss Magsanoc, what are you doing there? Hindi ginagamit sa klase ang mga computer sa last row," malakas na sabi ng professor nila na nakatayo na sa tabi ng white board. Nagulat siya at sumenyas sa prof, itinuro kung saan nakaupo si Maki. Tumango ito, mukhang naintindihan siya kahit ang iba niyang classmates ay nagtataka na habang nakatingin sa kaniya. "Leave him be. He's doing something for the university. Umupo ka dito sa harapang row, marami pang bakante." Inalis na nito ang atensiyon sa kaniya at pinagmadali na ring pumasok ang mga estudyante na nasa labas pa.

Niyuko uli ni Allen sa Maki na mabilis nang tumitipa ang mga daliri sa keyboard habang sa screen ay mabilis na dumadaan ang mga simbolo na hindi niya naiintindihan. Tinapik niya uli ang balikat nito. "May sasabihin ako sa'yo mamaya. Hintayin mo ako ha?" Pagkatapos lumayo na siya at pumuwesto sa harap ng computer sa pinakagilid at pinakamalapit sa pinto. Para mababantayan niya kung aalis na ang binata. Tumabi sa kaniya si Carla na ngiting ngiti.

"Naka-quota ka na sa pogi?" pabirong tanong niya.

Ngumisi ang kaibigan niya at tumango. Pagkatapos pinagmasdan siya nito. "Bakit ikaw parang hindi interesado?"

Nagkibit balikat siya. Naningkit ang mga mata ni Carla, parang may balak pa sabihin. Kaso nagsimula na mag discuss ang professor nila kaya napunta na sa lesson ang atensiyon nila. Sa unang thirty minutes ng klase, ipinaliwanag muna ng prof ang topic. Pagkatapos niyon binigyan sila ng activity na kailangan nilang gawin sa computer hanggang matapos ang oras nila sa laboratory.

Natutok na sa computer screen si Allen, pilit tinatandaan ang instructions kahit na sa totoo lang ay hindi talaga siya techie. Ang alam lang niya sa computer ay gamitin ang ms word at mag research sa internet para sa assignment. Hindi pa tuloy siya tapos kahit nakatayo na at tapos na sa activity ang halos lahat ng kaklase niya. Kahit si Carla kanina pa tapos at nag re-retouch na ng make-up.

"Five minutes left!" anunsyo ng professor.

Hindi tuminag si Allen at kalmadong itinuloy ang ginagawa. Natutunan niya sa buong buhay na pagpa-practice ng martial arts na dapat palaging kalmado at may presence of mind lalo na kapag nasusukol. Puwede rin iyon i-apply kapag malapit na maubos ang oras para magpasa ng activity.

"That part is wrong," biglang sabi ng pamilyar na boses ni Maki na hindi niya namalayang nakatayo na pala sa likuran niya. Naramdaman na lang niya, yumuko na ito at nakulong siya sa magkabilang braso nito, ang isang kamay nakalapat sa computer table habang ang isa naman ay pumatong sa kamay niyang nakahawak sa mouse. Dinala nito ang cursor sa isang line at may binagong formula. Pagka-enter, saka lang umayos at tumama ang mga numero sa buong spreadsheet. Kaya naman pala hindi siya matapos-tapos, may mali!

Tumingala siya hanggang makita niya ang mukha ng binata na nakayuko naman. Inalis nito ang tingin sa computer screen at sinulyapan siya. Matamis siyang ngumiti. "Salamat, Maki."

Sandaling nagtama ang kanilang mga paningin bago ito dumeretso ng tayo at lumayo sa kaniya. Humakbang ito papunta sa direksiyon ng pinto. Saka lang napansin ni Allen na may nakasukbit nang mailman bag sa balikat ni Maki. Aalis na ito. Mabilis na hinawakan niya ang laylayan ng hoodie nito. "Teka lang, saan ka pupunta?"

"I have class."

Iniiwasan talaga siya nito. Ramdam niya. Napilitan si Allen na bitawan ang hoodie ni Maki. "Hindi pa tayo tapos mag-usap ha."

Hindi ito sumagot. Bumuntong hininga lang at umiling. Pagkatapos lumabas na ng computer laboratory.

"Two minutes!" sigaw ng professor nila.

Mabilis na tuloy napunta ang focus ni Allen sa ginagawa. Natapos niya iyon, isinave, ipinadala sa email address ng professor nila at saka itinaas ang kamay. "I'm done, sir!"

"Good. Ikaw na lang ang hinihintay." May mga sinabi pa ito para sa susunod nilang lesson bago sila na-dismiss. Tumayo siya, dinukot na ang cellphone para i-text si Maki na gusto itong makita ng kanyang ama. Pero bago pa siya makapag-text bigla nang hinawakan ni Carla ang braso niya. Nilingon niya ito.

"Allen.... magkakilala kayo ni Maki Frias?" nanlalaki ang mga matang tanong ng kaibigan niya.

Nagulat siya na kilala nito ang binata. "Iyong lalaki bang kausap ko kanina ang tinutukoy mo?"

"Sino pa ba? Mahirap ipagkamali ang mukha na 'yon. Laboratory High graduate din siya katulad ko. Walang teachers, professors at estudyante na ka-batch niya sa lab high ang hindi nakakakilala sa kaniya. He was the smartest student in the whole school."

Napangiti siya. "Genius kasi si Maki."

Lalong namilog ang mga mata ni Carla. "Magkakilala talaga kayo? Paano? Kailan pa?"

Nagkibit balikat si Allen at imbes na sumagot ay naglakad na lang palabas ng computer laboratory. Hindi niya alam kung bakit pero ayaw niyang sabihin ang tungkol sa kanila ni Maki. Para sa kaniya, espesyal ang connection nilang dalawa. Feeling niya kapag sinabi niya sa iba, mababawasan ang pagiging espesyal niyon.

"Allen, tell me," pangungulit ng kaibigan niya. Sigurado siya hindi ito papaawat. Natutunan niya sa aikido na ang mga direct assault ay maiiwasan kung mag ka-counter attack ka. Kaya ganoon ang ginawa niya para maiwasan sagutin ang mga tanong ni Carla. Nagtanong siya. "Classmate ba kayo noong high school? Kasi kilala mo siya eh."

Success ang diversionary tactic niya kasi nag-iba na ang mood ng babae at nagsimula nang mag kuwento. "Never kami naging magkaklase pero walang estudyante sa laboratory high school ang hindi nakakakilala sa kaniya. Sa batch lang namin, lahat ng girls siya ang first love 'no."

Nagulat si Allen. "Kahit ikaw? First love mo si Maki?"

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon