Part 26

20.7K 596 32
                                    


MAGANDA PA rin ang mood ni Allen kahit nang maghiwalay na sila ng binata para magpunta sa kani-kanilang college buildings. Nakangiti pa rin siya nang pumasok sa designated classroom para sa first period. Natigilan lang siya nang biglang tumahimik. Weird lang kasi kanina malayo pa lang siya ay naririnig na niya ang ingay sa classroom. Lalo siyang nagtaka nang mapansin ang kakaiba at makahulugang tingin ng lahat sa kaniya.

Tumaas ang mga kilay niya, hinihintay na may magsalita. Tahimik pa rin ang mga ito pero ang mga mata, may malisya at panghuhusga. Unti-unti na tuloy siyang naiinis kasi ang ayaw niya sa lahat eh iyong pinag-uusapan siya kapag nakatalikod siya. Kahit sa martial arts, labag sa rules ang tirahin ang kalaban na nakatalikod. Naningkit ang mga mata niya at pabagsak na ibinaba sa desk ang kanyang bag. Pagkatapos namaywang siya at handa nang komprontahin ang mga kaklase niya pero mabilis na lumapit sa kaniya si Carla at kumapit sa braso niya.

"Labas muna tayo sandali," sabi ng kaibigan niya. Hinayaan niya itong hilahin siya hanggang sa may pinto ng classroom.

"Ano bang problema? Ayoko sa lahat eh 'yong pinagti-tsismisan ako," malakas na sabi ni Allen, sinisigurong naririnig siya ng buong klase.

Ngumiwi si Carla. "I know. I hate to be talked about too. Kaya nga kanina pa ako nakikipagtalo sa kanila."

"So ano nga ang isyu?" napipikon na tanong niya.

"Kasi nakita ka ni Kem kanina," tukoy nito sa gay blockmate nila. "Lumabas ka raw ng apartment na may kasamang lalaki. Ang close niyo raw at nagyakapan pa sa kalsada. Pagkatapos sabay kayong pumasok sa campus so ibig sabihin estudyante rin daw siya ng university. They are saying that you have a boyfriend and that you slept with him last night. Wala raw sa hitsura mo na... you know, na hindi ka na... v-vir..." Namula ang mukha ni Carla at hindi matuloy ang sasabihin. Pero hindi na kailangan kasi naputol na ang pagtitimpi ni Allen.

Mabilis siyang pumasok sa classroom at lumapit kay Kem. Halatang na-intimidate ito nang titigan niya ito sa mga mata. "B-bakit? Sinabi ko lang ang nakita ko ha," defensive na sabi nito.

"So dahil nakita mo kailangan mo ba talaga i-broadcast kahit hindi mo pa naman alam ang totoo? Dahil nakita mo, kailangan niyo na gumawa ng mga sarili ninyong konklusyon? Kung talagang walang mali sa ginagawa ninyo bakit tumahimik kayo nang dumating ako? Sabihin niyo sa akin ng harapan. Magtanong kayo kasi sasagot naman ako. Kasi wala akong ginawa at wala akong gagawin na ikakahiya ko. Don't you think talking about someone behind her back is rude? Para saan pa at Psychology major kayo kung simpleng logic lang eh hindi niyo kayang i-apply?"

Namula ang mukha ni Kem, halatang napahiya. To the rescue naman ang mga kaibigan nito na lumapit na sa kanila at masama siyang tiningnan. "Kung hindi ka guilty bakit ang dami mong sinasabi? The fact remains that you spent the night with a male student. We are not even eighteen yet," mataray na sabi ng isa.

Naningkit ang mga mata ni Allen pero nagdesisyon na huwag magpaliwanag. Kasi para saan pa? Iibahin din naman nila ang kuwento. Naiinis siya na sinira ng mga ito ang magandang mood niya. Pero naiinis din siya sa kanyang sarili kasi pumatol siya. Huminga siya ng malalim, kinakalma ang sarili at binalikan sa isip ang meditation niya tuwing umaga. Sandali pa ay relaxed na siya. Hindi na galit. "Bahala kayo mag-isip ng gusto niyo. Pero sa susunod sabihin niyo sa akin ng harapan. Ayoko nang tinitira ako kapag nakatalikod."

Halatang nagulat ang mga ito, hindi nakakibo.

"Anong nangyayari dito? Magsisimula na ang klase ko," malakas na sabi ng professor nila na pumasok na sa classroom.

Umupo na sila sa kani-kanilang armchair pero ramdam pa rin ang tensiyon sa buong klase. Patingin-tingin pa rin ang lahat sa kaniya. Na mukhang napansin ng prof nila kasi naningkit ang mga mata nito nang titigan siya. "Allen Magsanoc, don't fight with your classmates, understand? Ikaw ang mas malakas kaya ikaw ang dapat marunong mag kontrol sa sarili mo. Regular kang nagpapractice ng martial arts at boxing kaya puwedeng i-consider na murder ang simpleng pagbubuhat mo ng kamay. Keep that in mind."

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon