Part 57

18.9K 554 8
                                    


KUNG GAANO ka-intense ang titig ni Maki kay Allen, ganoon naman kasuyo ang mga kamay nito nang hawakan ang magkabila niyang pisngi. Halos mabingi na siya sa bilis ng tibok ng kanyang puso.

"I missed you," bulong nito. Sa sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa't isa ay tumama ang hininga nito sa mga labi niya.

"Totoo?" ganting bulong niya.

Tumango ito, marahang hinaplos ng mga hinlalaki ang magkabilang gilid ng leeg niya. Humagod ang msarap na kilabot sa likod niya.

"Patunayan mo."

Sumilay ang mapang-akit na ngiti sa mga labi ni Maki. Then he kissed her. Hindi iyon katulad noong unang beses siya nito hinalikan nine years ago. Walang alinlangan sa halik nito ngayon. Walang pananantiya. Sigurado at may kompiyansa ang bawat galaw ng mga labi nito ngayon. Napapikit si Allen, napasandig sa katawan nito at napakapit sa magkabilang braso nito. Gumanti siya ng halik, sinubukang gayahin ang ginagawa nito. Mukhang tama siya ng ginawa kasi umungol ito at ang isang kamay ay dumulas papunta sa batok niya. And then he did something that made her knees weak. He slid his tongue inside her mouth and deepened the kiss.

Pareho silang hinihingal nang maglayo ang kanilang mga labi. Nagkatitigan sila, hindi makapagsalita. Mayamaya masuyong pinaraan ni Maki ang hinlalaki sa ibabang labi niya. "Napatunayan ko na ba sa'yo kung gaano kita na-miss?"

Kumurap si Allen at unti-unting natauhan. Naalala niya na isang linggo silang hindi nagkita. Bumalik din sa isip niya ang article sa internet tungkol dito.Huminga siya ng malalim, humakbang palayo rito at bumitaw sa mga braso nito.

Humalukipkip siya. "Sige na napatunayan mo na. Pero may mas gusto akong malaman mula sa'yo Maki. Anong pinagkaabalahan mo sa nakaraang mga araw? Bakit nakasuot ka ng business suit? Ganiyan ba ang porma ng System Engineer? Kasi kung oo ang laking kaibahan naman sa normal na porma mo."

Natigilan ito, halatang nagulat sa mga tanong niya. Pagkatapos huminga ito ng malalim at tinitigan siya sa mga mata. "Allen, kapag sinabi ko sa'yo ang buong katotohanan, huwag ka magagalit sa akin, please?"

Kinabahan siya pero itinaas niya ang noo at sumagot, "Saka ako magdedesisyon kapag narinig ko na ang gusto mo sabihin."

Ngumiwi si Maki, humawak sa batok at bumuntong hininga. Hinila nito ang isa sa dalawang upuan at umupo roon. Pagkatapos sumenyas ito na ganoon din ang gawin niya kaya tumalima siya. Ipinaliwanag nito sa kaniya ang relasyon nito kay Matilda St. Clair. Idinetalye na rin nito sa wakas ang lahat ng nangyari rito sa nakaraang siyam na taon. Pero ang mas ikinagulat niya ay nang sabihin nito sa kaniya na nakita na siya nito uli two years ago habang nakatambay ito sa paborito nitong park.

"Pero bakit hindi mo ako nilapitan? Bakit hindi ka nagsabi sa akin?" takang tanong ni Allen.

Malungkot itong ngumiti. "Kasi nang makita kita, may umakbay sa'yo na lalaki at matamis mo pa siya nginitian. So naisip ko na mukhang masaya ka na sa piling ng iba."

Kumunot ang noo niya. "Kailan 'yan eksakto?" Hindi siya nagulat nang walang pagdadalawang isip na sinabi nito sa kaniya ang date, araw at maging ang oras kung kailan daw siya nito nakita two years ago. Halos buong buhay na niya itong kakilala kaya alam niyang may photographic memory ito. Kaya binalikan niya sa isip kung sino ang lalaking tinutukoy nito. Nang maalala ay nanlaki ang mga mata ni Allen at hindi napigilan matawa. "Natatandaan ko na! Ano ka ba, Maki. Si Peter 'yon. Tanda mo? 'Yung frat brod mo noong college? Siya ang nakita mong umakbay sa akin at nginitian ko."

Namutla ang binata. "N-naging kayo ni Peter?"

Sinuntok niya ang braso nito. "Hindi 'no! Naging magkaibigan lang kami noon kasi kahit siya nag-alala nang mawala ka sa campus. At nagi-guilty siya na hindi siya nakatulong sa atin noon. Isa pa noong makita mo kami two years ago, noon lang uli kami nagkita after ng graduation. On the way ang lugar ko kaya sinundo niya ako. Saka hindi kami lumabas na kaming dalawa lang. Nakipagkita kami kay Carla, 'yung college friend ko. Sila ang mag syota. Kinasal nga sila last year at parehong nasa Singapore naka-base ngayon eh." Sinuntok niya uli ang braso nito, mas malakas hanggang mapaaray ito. "Wala akong naging karelasyon sa nakaraang siyam na taon. Wala akong panahon at mas lalong wala akong gana mag effort."

Relieved na bumuntong hininga si Maki at napangiti. "Alam ko na ngayon. Thank you for telling me."

Tinitigan niya ang mukha nito. "Bakit kasi hindi mo sinabi sa akin agad na nakita mo na ako two years ago?"

Namula ang mukha nito. His smile became embarrassed. "D-don't get angry okay?" Huminga ito ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita, "I've been close to you for the past two years. Hindi mo lang napansin."

Nagulat siya. "Talaga?"

"Yes. And actually... ako ang nagsabi kay Keith na bigyan ka ng trabaho."

This time napanganga na siya at halos lumuwa ang mga mata. "Kilala mo si sir Keith –" Napasinghap siya at naitakip ang mga kamay sa bibig nang may marealize siya. "I-ikaw ang may-ari ng building kung saan ako naging night janitor? Si chef Derek at Ryan na nakilala ko sa restaurant, doon sila nakatira?"

Tumango si Maki. "Akala ko talaga, naka-move on ka na sa buhay mo. That you already belong to someone else. Kaya nawalan ako ng lakas ng loob na magpakita sa'yo. Pero kahit ganoon, gusto kong makatulong sa'yo. Kaya nang malaman ko na naghahanap ka ng trabaho, nagpatulong ako kay Keith. He's the manager of the building and he was in charge of the maintenance and everything related to it."

"A-at ikaw? Nakatira ka rin doon?" mangha pa ring tanong niya.

"Yes. Sa penthouse."

Napatayo si Allen at humakbang palayo kay Maki. Kumislap ang pagkataranta sa mukha nito at parang tatayo rin at hahawakan siya pero itinaas niya ang kanyang mga kamay para pigilan ito. "Diyan ka lang. Kailangan ko ng space para iproseso sa isip ko lahat ng mga sinabi mo."

Umayos uli ito ng upo pero hindi siya nilubayan ng tingin. Huminga siya ng malalim at naalala ang mga pagkakataong nasa loob siya ng gusali at pakiramdam niya may nanonood sa kaniya. "Kapag naka-duty ako, pinapanood mo ba ako mula sa screen ng cctv camera?" nanginginig ang boses na tanong niya.

Ngumiwi si Maki. "Minsan, kapag hindi ko na matiis at gusto kitang makita. Pero mabibilang lang sa mga daliri ko sa kamay, I swear. Kapag alam kong naka-duty ka, sinusubukan kong huwag lumabas ng opisina ko at binubuhos ko ang atensiyon ko sa trabaho kasi alam ko na unfair sa'yo kung panonoorin kita. Isa pa..."

"Isa pa ano?"

Bumuntonghininga ito. "Kapag nakikita kita, bumabalik sa isip ko ang mga nangyari noon.It frustrates me and it make me sad. So I avoid seeing you as much as I can. Nihindi ko nga alam na nagtatrabaho ka sa martial arts studio bago ako magvolunteer mag donate ng tv para sa mga bata. Nalaman ko lang noong nag researchako. Hindi ko lang sinabi sa'yo agad nang magkita tayo uli kasi galit ka saakin noong una, 'di ba? Pero intensiyon ko naman talaga sabihin sa'yo angtotoo. Humahanap lang ako ng tiyempo. Still..." Pinagtagpo nito ang kanilang mgapaningin. "Sorry. Alam ko na hindi ka komportable sa nalaman mo. Sorry."

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon