Part 59

19.4K 637 17
                                    


NOSTALGIA hit her the moment they turned to the street where she grew up. Lalo na nang madaanan nila ang elementary at high school kung saan siya nag-aral. Mukhang napapabalik din sa nakaraan ang isip ni Maki kasi bumagal ang pagmamaneho nito at napapasulyap din sa labas.

"It looks different now, huh? May painting na sa pader at kahit sa labas halatang may mga bagong building na nakatayo," komento pa nito tungkol sa elementary school nila.

"Oo. Actually, wala na 'yung building kung nasaan ang classroom natin noong grade six tayo. Giniba at pinalitan ng mas bago at mas mataas na building para makapag accommodate sila ng maraming estudyante."

Mayamaya pa lumiko na uli sila sa kanto kung saan palagi siyang naglalaro noong bata pa siya. "Sina Francis at Rose Amory. Dito pa rin ba sila nakatira o hindi na?" tanong ni Maki.

Napangiti si Allen nang maalala ang mga kababata niya. "Dito pa rin sila nakatira pero sa may bayan na at hindi sa sitio namin. Nagpakasal sila five years ago, alam mo ba? Inaanak ko ang anak nila. Akalain mo 'yon? Elementary pa lang tayo crush na ni Francis si Rose Amory eh."

Mahinang natawa si Maki. "That's great to know. Pwede natin sila pasyalan bago tayo bumalik ng manila."

"Salamat. Sige pumunta tayo mamaya. Sana lang maging maayos ang pag-uusap natin ng may-ari ng bahay. Sana pumayag siyang ibenta uli sa akin."

Sumeryoso ang binata at humugot ng malalim na paghinga. "Allen, sinasabi ko na sa'yo ngayon pa lang na mahirap kausap si Shannon. Lalo na at related ako sa'yo. She has a huge grudge against me the last time we saw each other. So... puwede bang ipagkatiwala mo sa akin ang pakikipag deal sa kaniya?"

Kinabahan siya. "A-anong balak mo gawin?"

"You might not like it."

Lalo siya kinabahan. "Ano nga?"

Tumikhim si Maki at sinabi ang balak nito. Nanlaki ang mga mata niya at gusto pa magreklamo kahit hindi siya sangayon sa plano nito pero inihinto na nito ang sasakyan. Nasa tapat na sila ng childhood home niya.

"Just trust me, Allen. Please?" pakiusap ng binata.

Mariing tumikom ang bibig niya pero sa huli marahas din siya bumuntong hininga at tumango. Ngumiti ito at pinisil ang baba niya. "Let's go."

HALOS walang pinagbago ang labas ng bahay kung saan siya lumaki. Ang naiba lang ay bago ang pintura niyon, may nakapalibot na mataas na bakal na pader, may gate at naka landscape na ang dati ay bakanteng lupa sa bakuran.

Isang may-edad na lalaki ang lumabas mula sa pinto para buksan ang gate nang mag doorbell sila. Ang abogado na kausap ni Allen noon. Mukhang nakilala rin siya nito kasi kumunot ang noo nito. "Anong ginagawa mo rito? Sinabi ko na sa'yo noon na masyadong abala ang kliyente ko para kausapin ka."

"She's with me so you better talk to her with respect," biglang sabi ni Maki sa tono na noon lang niya narinig mula rito. He sounds commanding and intimidating. Natahimik tuloy ang abogado at napatitig sa binata. "Ako ang may appointment sa kliyente mo."

Namutla ang may-edad na lalaki at nanlaki ang mga mata. "You are Mr. St. Clair?" Tumango si Maki. Napangiwi naman si Allen. Hindi siya sanay marinig ang bago nitong apelyido. Biglang naging accommodating ang abogado, ngumiti at mabilis na pinagbuksan sila ng gate. Pagkatapos habang naglalakad sila papasok daldal ito ng daldal, halos ialok na ang serbisyo at sarili kay Maki. Samantalang ni hindi siya tinitingnan man lang nito. Na ayos lang sa kaniya kasi nagkaroon siya ng chance na igala ang tingin sa loob ng bahay.

Kumirot ang puso niya nang makitang kahit halos walang ipinagbago ang hitsura niyon sa labas ay sobrang iba na iyon sa loob. Bago na ang sahig. Ang pader na divider ng living room at kusina ay giniba kaya naging open space na ang ground floor. Iba na ang mga furniture, mas mamahalin at makabago kompara sa mga gamit nila noon. Ang kusina kung saan madalas niyang nakikitang abala ang mama niya noon, hindi na rin katulad ng dati. Wala na rin ang mga nagkalat na picture frame ng pamilya nila. Malamang itinapon na ang mga iyon ng bagong may-ari. Ang sakit isipin na wala nang bakas ng buhay nilang pamilya roon. Pero kahit ganoon, gusto pa rin niyang mabawi ang bahay kahit anong mangyari. Kahit na kailanganin niyang umasa kay Maki at pumayag sa plano nito.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon