Part 61

20.1K 580 18
                                    


ISANG LINGGO ang nakalipas, nakipagkita uli sila kina Shannon at sa abogado nito. Sa pagkakataong iyon sa manila na at may kasama na silang dalawang abogado na kaibigan ni Maki.

Katulad ng napag-usapan nila sa kabila ng matindi niyang pagtanggi noong una, kay Allen nakapangalan ang titulo at ang iba pang papeles kahit na si Maki ang nagbayad. Pagkatapos umalis nina Shannon, ginawa naman nila ang sunod na stage ng kasunduan nila ng binata na siya ang nag suggest.

Sa harap ng dalawang abogado, nagpirmahan uli sila ng kontrata ni Maki para naman sa pagbabayad niya rito. Pagkatapos ibinigay niya rito ang post dated checks na worth one year. Buwan buwan, maghuhulog siya ng pera sa check account na binuksan niya one week before. "Magbibigay uli ako sa'yo ng check kapag nabayaran ko na ang pang isang taon."

Bumuntong hininga ang binata at sinulyapan ang halaga na nakalagay sa mga tseke. "Hindi mo ako kailangan bayaran agad ng ganito kalaking halaga kada buwan, Allen. I know this is too much for you."

"Hayaan mong ako na ang mag-isip ng tungkol diyan. Sobra na ang tulong na ibinigay mo sa akin," seryosong sagot niya. Nagtagis ang mga paningin nila.

"You're so stubborn."

"Pareho lang kayo, actually." Si Ross Mitchell ang nagsalita.

Napakurap sila pareho at napalingon sa dalawang abogado na kasama nga pala nila sa lamesa. Parehong nakangiti ang mga ito at amused na pinapanood sila. Uminit tuloy ang mukha ni Allen at tumikhim.

Si Maki naman bumuntong hininga na parang pagod na sa usapan na iyon. "Anyway, thank you for handling this for me, Ross, Jay."

"No problem. Medyo nagulat lang kami na ikaw ang direktang kumontak sa amin. I didn't know this is how we will finally see you in person, Maki," nakangiting sabi ni Jay.

"At kaya pala kahit anong imbestiga namin wala kami makuhang impormasyon tungkol kay Maki Frias kasi Maki St. Clair naman pala ang totoong pangalan mo. Man, you really got us there," sabi naman ni Ross.

Tipid na ngiti lang ang naging sagot ni Maki. Mayamaya pa nagpaalam na ang dalawang abogado. Naiwan silang dalawa sa lamesa. Pinakatitigan niya ito. "Ngayon ka lang talaga nagpapakita sa mga residente ng Bachelor's Pad, ano?"

Tumango ito. "Plano ko makipagkita sa iba pa bago ang birthday party ni Matilda. Ayokong doon pa nila malaman kung sino ako. After all, they are important people to me."

Napangiti si Allen. Pagkatapos tumingin siya sa wristwatch niya. "Kailangan ko na magpunta sa martial arts studio."

"Ihahatid na kita."

Tumayo sila. Tinitigan niya ang brown envelope na naglalaman ng mga papeles at titulo ng bahay at lupa. Inabot niya iyon kay Maki. "Ikaw na muna ang humawak nito."

"Allen," reklamo nito.

"Please. Hindi ako magiging komportable kung hindi ko 'to gagawin. Sa'yo muna ito. Kukunin ko kapag nakabayad na ako kahit one fourth lang ng kabuuang halaga na ginastos mo. Okay?"

Bumuntong hininga si Maki pero tinanggap naman ang envelope. "Fine. Are you happy now?"

Ngumiti siya, humakbang palapit dito at niyakap ito ng mahigpit. Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito. "Oo. Sobrang saya ko," bulong niya. "Salamat sa tulong mo at salamat kasi nandito ka na talaga uli sa tabi ko. Thank you, Maki."

Niyakap din siya nito at hinalikan ang gilid ng kanyang ulo. Naramdaman niya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nito. Pagkatapos bumulong ito, "It's my pleasure."

DAHIL KAY MAKI, nagkaroon ng tapang si Allen na harapin ang sarili niyang nakaraan at i-overcome ang takot niya. Kaya itinuloy niya ang pagpapasa ng application sa mga kompanya na matagal na niya gusto pasukan. Gusto na niyang magamit talaga sa trabaho ang kursong tinapos niya.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon