CHAPTER 23
AFTERLIFE
(AYMALINE AVIANNA'S POV)
It's been six months when our wedding happen. Six months na dusa ang kinaharap ko.
"Manang? Si Bastien po ba nakauwi na?" Tanong ko sa katulong namin at sinalubong naman ako nito.
"Oo iha nasa kwarto niyo na siya kanina pa at mukhang galit na galit" anito at napahilot ako sa sentido ko.
"Sige po manang akyat na ako" paalam ko at hinawakan naman niya ang pulsuhan ko.
"Kumain ka muna." Aya niya pero tumanggi ako at nagdahilan na pagod hinayaan naman ako nito.
Habang mabagal akong umaakyat sa hagdan inaalala ko ang mga nagdaang buwan. Especially our wedding.
FLASHBACK...
"Pinakaba mo ako" reklamo ko kay Yena. Siya naman ay tutok sa pag-aayos sa akin ng mga make up artist.
Nasira ang buong make up ko dahil sa sinabi ni Yena pero buti na lang at nasiraan lang ng sasakyan si Bastien.
Pagkatapos ako ayusan. Inabutan ako ng tissue dahil naiiyak na naman ako habang nakatayo sa nakasarang pinto ng simbahan.
'Pagbukas nito makikita ko na ang taong bubuo ng kinabukasan ko'
Bumukas ang pintuan. Nagsimulang tumunog ang piano version ng . Habang marahan akong lumalakad kita ko ang pagkunot ng noo ni Bastien habang sinusuyod ang tingin ng mga bridesmaid.
'Nandito ako dapat dito ka nakatingin'
Gusto kong isatinig iyon but I refuse to do so. Ng makarating ako sa gitna. Sinalubong ako nina Mom and Dad. Naiyak pa si Mom habang inilalakad ako papalapit kay Bastien.
"Take care of our daughter" huling habilin ni Dad kay Bastien bago ako inalalayan papalapit dito. Namamawis ang kamay ko habang hawak ang bulaklak.
Umangkla ako sakanya at sabay na kaming humarap sa dambana.
"Ngayon araw na ito ay masasaksihan natin ang pag-iisang dibdib nina Aymaline at Bastien." Paunang salita ng pari matapos mag-antanda.
BINABASA MO ANG
DREADFUL SERIES #2: PARAMOUR COMPANION
RomanceWhen you love someone being their friend is not just enough, loving your bestfriend is hard because one step further will either make you fall harder or ruin your friendship. Aymaline Aviana Brinley never thought about that and continue to chase her...