CHAPTER 34

933 13 0
                                    

CHAPTER 34

HIS DECISION

(AYMALINE AVIANA'S POV)

Paggising ko pa lang dalawang tao na agad ang bumungad sa akin. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

"Tubig?" Ani Bastien

"Fruits?" Tanong naman ni Huxley.

Gulong gulo ko silang tinignan. Agad naman silang nahawi at lumitaw ang mukha ni Mom.

"May Amnesia ka ba anak? Pagtignan natin ikaw? Nanay mo ako" lalo akong nalito sa kanila. Pakiramdam ko hindi tamang tao ang mga kaharap ko.

Tumikhim muna ako kaya lang wala talaga tuyo ang lalamunan ko maya-maya dalawang bote ang nagsalpukan sa harap ko kaya nabasa ako.

"Sorry" sabay pa na sabi nila. Napailing ako at babangon na sana ng dalawang kamay ang tumulong sa akin.

Lalong napakunot ang noo. Inabot ko ang tubig sa side table at tinangkang buksan iyon but I can't and then two hands once again hold the bottle.

"Ako na ang magbubukas" ani Bastien sabay hila sa bote.

"Ako diba Aymaline ako magbubukas?" Napatingin naman ako kay Huxley buti na lang at pumasok si Kuya Aivan.

"Aymaline are you okay?" He asked softly and get a water bottle and open it for me.

Agad akong uminom halos nakaubos na ako ng mahigit 5 bote sa pagkauhaw. Tumigil lang ako ng mapansin ang samaan ng tingin nina Huxley at Bastien.

'What are they doing?'

"Gaano ako katagal tulog?" tanong ko kay Kuya Aivan.

"1 week" sabay na sagot ni Huxley at Bastien kumunot lalo ang noo ko sa dalawa.

"I understand na nandito si Huxley being my husband but Bastien what is you're bussiness here?" tanong ko and I saw how Bastien's emotion fade.

'Did I offend him?'

"Sorry don't be offended I just wanna ask" katwiran ko but Bastien still doesn't talk or answer me.

Napatingin ako kay Kuya Aivan at kay Huxley at sinenyasan silang lumabas muna. Huxley wanted to stay but I insist na lumabas sila.

"Bastien" pagtawag ko sa pangalan niya and this time nag-angat siya ng tingin tear-eyed.

Nagulat ako ng lumapit siya sa bedside at hinawakan ang kamay ko kneeling.

"What are you doing?" Tanong ko and help him stand up but he still doesn't. And then he started crying for I don't know reason.

"I'm sorry" he muttered crying like a boy na hindi naibigay ng Ina niya ang gusto niya.

'What is he thinking?'

Hindi ko maiwasan na maiyak din. I know this is just a effect of me being pregnant but I can't help it. This is the first time he cry to me ng hindi dahil kay Camari kung hindi dahil sakin.

"Is that really my baby?" Tanong niya at hindi ako nag-atubiling tumango. With his eyes pleading for me to say yes is the best thing that I saw in my life.

He continue crying and this time tumayo siya at niyakap ako ng napakahigpit in his arms I felt safe hindi ko inakala na kahit anong pilit kong magmove forward babalik at babalik pa rin ako sa piling niya.

DREADFUL SERIES #2: PARAMOUR COMPANIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon