P R O L O G U E

267K 3.8K 1.3K
                                    

Lured

Too Young

Pinalis kong muli ang malalaking luha na umagos sa aking mga mata. My eyes hurts so much for crying just because of him. Ngayon lang ako umiyak ng ganito kalala buong buhay ko na sobrang hirap patahanin ng aking sarili habang naninikip ang aking dibdib.

Kahit anong balik ko sa aking isipan sa mga ginawa ko sa nagdaang buwan, hindi ko talaga mahukay kung masyado ba akong napariwara sa pagkagusto ko kay Trey o masyado akong nawili sa binuo kong imahinasyon sa aking isipan na magiging kami rin sa huli.

It's frustrating me so much. Gusto kong makatulong pero paano ako tutulong kung ako ang puno't dulo ng kaguluhan. And worst... And worst...

Sinapo ko ang aking dibdib at ibinaon ang mukha sa unan para sa iyak kong sobrang lakas na. I cried helplessly, praying for a miracle to change the decisions I made.

It's a foolish act, I know! But I am not that shallow! I am not that desperate! I remember those days, I just want... I just want to be part of Trey's life. Gusto ko lang namang may lugar rin ako. Pero bakit nagkagano'n na? Bakit biglang lumiko ang lahat?

High school ako noong nagsimula akong pumunta punta sa college building, kung saan nag-umpisa lahat ng aking kahibangan. Kung alam ko lang na hahantong sa ganoon ang pagtatagpong iyon, kung alam ko lang na mahuhulog ang lahat sa ganito kakomplikadong sitwasyon, ako nalang sana ang umiwas.

But no, it's like something is luring us to be so close with each other. Something's luring me to be with him...

"It's already lunch. Punta na tayong cafeteria?" tanong sa akin ni Elle sa hapon ng Martes na iyon.

Umiling ako sa aking pinsan habang nagliligpit ako ng gamit. Agaran siyang bumusangot, ang tingin ay nasa ginagawa ko na habang nakahalukipkip.

"Bawal ka roon ah? Mapapagalitan kana naman talaga ni-"

"I don't fucking care." Nagkibit ako at kinuha ang aking cellphone saka iyon ibinulsa.

Nang nasigurado kong naligpit ko na lahat ay kinuha ko na iyon.

"Kanino ako sasabay?"

Di ba ito makakakain nang wala ako?

"Friends?"

"Who?" Takang-taka niyang tanong.

Umirap ako, nailing.

"Someone you're not faking to be with," tangi kong sagot at nagdesisyon nang talikuran siya.

Makakahanap ba siya ng ganoon? She needs to stand up with her own kaysa iyong nakadepende nalang sa kung sino sino. Gusto ko siyang sanayin lalo na't hindi iyon magawa gawa ng kambal sa kanya. Lagi nalang kasing binibaby kaya ayan...

I curled my hair using the tip of my hand while walking. Pumipintig agad ang aking puso habang tinatahak ko ang daan palabas ng school. I know if they saw me there, they're all going to get mad again. Kahit pagbawalan nila ako, aakyatin ko parin ang gate! Or I'll tell Mommy to fire the guard for not letting me in. At pag nalaman ni Daddy, isusumbong ko rin siya kay Mommy pag pinagalitan niya ako.

"Magandang hapon, Ma'am..." Ngumiti sa akin ang gwardya.

Ngumiti ako pabalik habang pinapanood ko siyang binubuksan ang gate para sa akin.

"Dadalawin niyo po ang pinsan niyo?"

It's cringe to visit my cousins lalo na't lagi kaming nagkikita pero tumango nalang ako para wala nang iba pang maging tanong. At least may alibi ako pag tinanong rin ako ni Daddy kung ba't palagi akong nagagawi rito.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon