Lured
Plan
Bumili ako ng cute notebook para sa mga plans namin ni Isaiah at mailista ko rin doon ang mga masasagap ko kay Keesha if ever I already started talking to her. Ano, paplastikin ko 'yon?
Pero as what Kuya said, sabi ni Ken ay mahinhin daw. Mga mahinhin ba ang type ni Trey? Eh kung tumakbo ako ng slowmo sa harapan niya? Will he fall inlove with me? O baka tatawanan lang ako noon dahil sa paningin niya, para lang akong batang naglalaro.
"Look at this! Isn't it so cute?" Ipinakita ko agad ang cute notebook ko kay Isaiah na tumitig lang doon sa Miyerkules ng hapong iyon sa kalindary.
"This is a notebook," dagdag ko pa nang masyado niya iyong tinitigan.
"Ah... Notebook..." Tumango-tango siya ng sarkastiko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Seriously, Isaiah?" Umirap ako at tumikhim. "Anyway... Dito ko isusulat ang mga makakalap ko kay Keesha para may idea ka kung paano siya didiskartehan. But I think she's an easy to get girl so baka idate mo lang iyon sa Restaurant-"
"Wala akong budget sa ganyan," putol niya at humalukipkip sa upuan looking so snob.
"Huh? At least ask her out once a month! Or a week!"
Tumingin siya sa akin sa magkasalubong na kilay.
"Oh, saan ko siya dadalhin? Interesado ba siyang mamasyal kami sa kalye habang may kinakaing tig pipisong chichirya at may dala dala kaming ice water?"
Namilog ang aking mga mata. Ganoon ang date na naiisip niya? At anong tag pipiso?! Keesha looks like a simple girl to me, iyong walang arte pero sana naman mag-effort siya, right?
"Anong tig pipiso? 20 pesos ang piattos ah!"
And seriously, ice water talaga?! Hindi ba pwedeng mineral water nalang?
"'Yon na nga. Wala nang tig pipiso kaya hindi ko nalang siya yayayain. Wala akong maipapakain sa kanya," iritado niyang bigkas.
Siya ata iyong klase ng lalake na hindi magg-girlfriend hangga't walang pera. Edi kailan? Pag successful na siya? Dapat maghanap siya ng babaeng kahit hindi pa siya successful, tanggap na agad siya!
"Eh bakit iyon ang ipapakain mo? You can buy her chocolates!"
"Tanungin mo kung kumakain siya ng flat tops. Bibilhan ko siya," sabi niya, hindi parin nawawala ang tabang sa boses at mukhang sinasarkastiko lang ako.
Bumuntong ako ng hininga at halos sumabog na ata ang ugat sa aking ulo dahil sa kanyang pinagsasabi. I am not familiar with flat tops.
"That's not an appropriate date, Isaiah," sabi ko, nanggigigil siyang tiningnan.
Humilig siya sa mesa at tinitigan ang mga pagkain naming kanina pa namin hindi ginagalaw dahil sa pag-uusap.
"Because I'm not into dates."
Humilig rin ako hanggang sa ilang distansya nalang ang mukha naming dalawa. Mataman niya akong tinitigan sa mga mata, hindi na kumukurap at naglalaro ang daliri sa mesa.
"Ang mga girls, gusto nila ng mga romantic dates. Gusto nila iyong inaalagan sila, iyong pinaparamdam na special sila, na may oras ka sa kanila, ganon lang naman..."
Tinitigan niya ang labi kong nagsasalita.
"Ganyan ka rin?" bigla niyang tanong sa baritonong boses.
"Well... I haven't try dating someone since pinagbabawalan pa ako ni Kuya but maybe yes? Nag-iimagine ako na kumakain kami ni Trey sa isang fine Restaurant. We're going to talk about ourselves at ihahatid niya ako pauwi tapos hahalikan ang aking noo... Mga ganon lang. It's romantic." I smiled cutely at him.
BINABASA MO ANG
L U R E D (NGS #5)
RomanceZera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to fall inlove with her. Sa larangan ng pangmamanipula at pang-aakit, nangunguna ang kanilang pamilya...