Lured
This chapter is dedicated to Angeline A. Caberte. Belated happy birthday! Happy reading...
----------------Karma
Tumambay lamang ako buong sembreak sa bahay. Wala akong ganang lumabas, wala ring ganang gumala. Tinitingnan ko lang ang bintana kung paano nag-iiba ang kulay ng langit hanggang sa unti-unti nang kinakain ng dilim ang paligid.
Pwede ko namang bisitahin doon si Isaiah pero natatakot akong magpakita sa kanya. Mommy even advice me to do it at kahit si Daddy ay pumayag noong gabing kinausap nila ako tungkol sa kanya.
"Siya ba 'yong..." ani Mommy, hindi agad nadudugtungan ang sasabihin.
Dahan dahang bumuhos ang aking mga luha. Kaonting banggit lang sa kanya ay ganoon agad ako ka sensitibo at naiiyak na.
Pinalis ko iyon at humalukipkip muli sa sofa. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila.
Bumuntong ng hininga si Daddy. Si Mommy naman ay namungay na ang mga mata.
"Mabilis lang naman ang six months, Zera. Pag nakalabas siya, pwede natin siyang tulungan in our way so that he can start again in school. Sa school lang naman nabawi ang kanyang scholar lalo na't may sinusunod na rules doon at kailangan iyong ipataw sa kanya pero pwede naman tayong tumulong sa ibang bagay pag labas niya," ani Mommy.
Hindi ako umimik. I know Isaiah too well. Hindi iyon basta basta tatanggap ng tulong nang hindi niya pinagsisikapan.
"And if you said he's innocent then we will believe you..." dagdag pa ni Mommy.
Bumuhos ulit ang aking mga luha. Mainit iyon at sinasakop ang aking mukha hanggang sa nararamdaman ko na ang pag-agos noon sa kahabaan ng aking leeg. Tanging iyak nalang ang aking naisasagot sa kanila.
"Hindi ka namin pagbabawalang makita siya. You can always visit him, princess..." ani Daddy sa masuyong boses.
Hindi parin ako umimik. Tumatakbo rin iyon sa aking isipan pero wala akong planong gawin. Nangingibabaw ang takot sa akin at galit para sa aking sarili.
Pag pumunta ako roon at nakita ang kanyang kalagayan sa loob ay madudurog lamang ang puso ko. Mas isasampal ko lang sa sarili ko na ako ang may kasalanan ng lahat. I will only hurt myself... And worst I might do a crime just to be with him inside the jail. And what crime, Zera? Papatayin mo si Keesha? Iyon nga lang baka mauna pang lumabas si Isaiah sa akin. Napakabaliw na ng ganoon at kung ano-ano nalang ang pumapasok sa aking isipan.
Ayoko nang pinag-uusapan pa nila si Isaiah kaya para hindi humahaba ang topic ay hindi nalang ako nagbibigay ng opinyon at mas pinipili nalang na tumahimik. Nagpaalam lang ako papunta sa aking kuwarto at doon na ipinagpatuloy ang pag-iyak.
Ang tanging nagawa ko lang buong sembreak ay umiyak nang umiyak. Hindi ko na mabilang kung ilang balde na ang aking naipon dahil sa walang humpay na pag-iyak.
Lunes iyon nang may kumatok sa pintuan. Nasa balkonahe ulit ako ng aking kuwarto, niyayakap ang mga binti habang pinagmamasdan ulit ang langit hanggang sa magbago rin ang kulay noon at lamunin ng dilim ang paligid.
Bumukas ang pinto. Hindi na ako nag-abalang lingunin iyon. May yapak ng mga paa akong narinig. It's my Kuya.
Ilang sandali lamang ay nakita ko rin siya sa gilid ng aking mga mata. Inilapag niya ang dalang tray na may laman kong agahan sa tabi ng mesang inuupuan ko.
"Have your breakfast," ani Kuya.
Walang gana akong tumango at hindi na siya nagawa pang lingunin. Bumuntong siya ng hininga at hinila iyong isang upuan na lumikha pa ng tunog saka siya umupo roon. Napapagitnaan kaming dalawa ng mesa pero nakikita ko parin ang seryoso niyang mukha. Yumuko siya at humilig sa kanyang mga hita saka ipinagsalikop ang mga kamay.
BINABASA MO ANG
L U R E D (NGS #5)
RomanceZera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to fall inlove with her. Sa larangan ng pangmamanipula at pang-aakit, nangunguna ang kanilang pamilya...