Lured
-PrfctlyStbbrnThis chapter is dedicated to Niza Diez. Happy reading!
Happy birthday to Isaiah's brat named Zera Damonisse!
---------------Isaiah Jace Silvestre
Hinaplos ni Lola ang aking balikat habang tinititigan ko ang lapida ni Mama. Nanlalabo ang aking mga mata kahit na sinisikap kong walang malaglag na luha ay nabigo parin ako.
Akala ko ang kawalan na ang ama ang pinakamasakit sa lahat ng bagay. Iyon ang akala ko pero mali pala.
She got shot in her chest. Alam ko iyon dahil narinig ko ang doktor. Pero iba ang sinabi ni Lola sa akin, iba ang sinabi nila sa akin. My mother got killed...
"Isaiah..." Hinaplos muli ni Lola ang aking likod nang maramdaman niyang nanginig na ako.
Bakit pinatay si Mama? Anong kasalanan niya? Mahapdi na ang aking mga tuhod sa pagluhod pero wala akong pakialam. Kung pwede ay dito nalang ako buong araw ay gagawin ko.
"Tara na... Uulan na..." ani Lola, garalgal narin ang boses.
Sa gilid ng aking mga mata, may napansin na naman akong pamilyar na mamahaling kotse. Nilingon ko iyon. Para iyong limousine lalo na't kumikinang pa.
Namataan ko narin iyon sa aming school, tuwing lumalabas ako. Sa una ay akala ko nagkataon lang pero ngayon na nagpakitang muli ay pinagdudahan ko na.
I was just five when I lost my mother. Hindi ko iyon matanggap. Hindi ako mabilis umiyak pero sa araw na iyon ay gumuho agad ako. I lost someone who's very precious to me.
Si Lola Yen, ang itinuturing na nanay ni Mama ang nag-alaga sa akin lalo na't wala rin kaming malalapit na kamag-anak. Tumira ako sa kanya habang pinagpapatuloy ko ang pag-aaral ko sa Elementarya.
Grade six na ako noong namataan kong muli ang mamahaling sasakyan na palaging nakamasid, tila may mga pares ng matang nakatingin sa akin sa tinted na bintana.
Bago pa ako makauwi ay may biglang humablot sa akin. Kinaladkad ako ng kung sinong lalakeng may malaki ang pangangatawan at isang takip lang sa aking ilong ay mabilis akong nanghina at nawalan ng malay.
Noong dumilat na ako ay natagpuan ko nalang ang aking sarili sa isang magarang kuwarto. Pansin na pansin ko ang mga gold na kasangkapan, ang laki noon at nakabukas na mga high curtains.
Mabilis akong bumangon nang matandaan kong nakidnap ako at ipinasok sa kung anong van. Pero bago pa man makaisip ng paraan na makalabas ay nakita ko na ang lalakeng nakatalikod suot ang isang suit at nakapamulsa habang nasa labas ng bintana ang tingin.
Tila napansin niya ang aking paggalaw kaya nilingon niya ako. Nakita ko ang lalakeng marahil ay nasa mid 40's na. Ang suot niyang salamin ay hindi maitago ang mga matang tila galit at ang mukhang seryoso na ang kalahati ay madilim.
"Gising kana..." He smiled a bit to me.
"Irereport ko ito sa pulis! Nangunguha kayo ng bata!" sigaw ko sa galit, gusto agad manlaban kahit wala itong ginagawa.
Bukas ang pinto. Pwede akong tumakbo roon at lumabas pero iniisip ko rin na hindi ko kabisado ang lugar at wala akong alam kung nasaan ako.
Naglakad ang lalake patungo sa akin. Galit ko siyang tiningnan.
"I'm sorry if it took me long," malamig niyang tugon ngunit namumungay ang mga mata sa akin.
Ang galit ko ay unti-unting napalitan ng pagkalito. Tumigil siya sa aking harapan at naglahad ng kamay.
"I am Martin Castellano... Your father."
Umawang ang aking bibig at tiningala ito. Seryoso ang tingin niya sa akin na kahit ako ay kinilabutan nang mapansing may anggulo siyang kamukha ako.
BINABASA MO ANG
L U R E D (NGS #5)
RomansaZera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to fall inlove with her. Sa larangan ng pangmamanipula at pang-aakit, nangunguna ang kanilang pamilya...