14th Lured

113K 3.1K 1.3K
                                    

Lured

Ignorante

Sa mga sumunod na araw ay naging busy na kami sa kakapractice for our performance in P.E. Palaging nauubos ang tubig sa aking bottled water dahil sa walang sawang practice lalo na't parte rin iyon ng exam namin.

Bawat steps muna ang inaral namin saka namin iyon isinabay sa kanta na Earned it by The Weekend. It's really a sexy dance so we need a sexy song on it.

"Grabe kayo. Para na kayong nang-aakit sa sayaw niyo," ani Elle pagkatapos naming magbreak muna.

"Kaya nga sexy dahil nakakaakit," sabi ko at binuksan ang aking bottled water.

"Eh ako, Zera? How's my dance?"

Uminom muna ako habang inaalala kung paano siya sumayaw. It's hiphop at hindi bagay sa kanya na nakapaarte ng galaw at pinipilit ang kanyang katawan na tigasan nalang.

"Okay lang. Para kang nanghahamon ng away sa tigas ng katawan mo." Ngumisi ako na ikinabusangot niya ng husto.

"Sabi ko na nga ba ipapahiya ko lang ang sarili ko!" Sinabunutan niya ang buhok at sobra nang bumusangot.

Their steppings are quite good but Elle is just too stiff when she moves kaya hindi nabibigyan ng justice ang sayaw.

Nilingon ko si Irah na nakaupo ulit sa bleachers at busy sa kanyang cellphone. Palihim akong nagtungo sa kanya at dumaan sa likod para hindi niya ako mapansin. Nang makarating ako roon ay agad kong sinilip ang kanyang cellphone at nakita roon ang text niya for my cousin. He texted him Good Morning kaso hindi naman nagreply ang pinsan ko.

"Aw... Poor heart..."

Nagulat siya sa aking boses sa likod at ini-off agad ang screen ng kanyang cellphone. Nilingon niya ako at tiningnan sa madilim niyang mga mata.

Bumaba ako sa bleacher na pinatungan at tinabihan siya. Ibinigay ko sa kanya ang aking bottled water.

"Hindi ka nireplayan 'no? I told you hindi ka priority ni Kuya," sabi ko sa nanunuyang boses.

Tinanggap niya ang aking tumbler at binuksan iyon. Uminom siya roon habang pinapanood ko siya.

"He's just busy," sagot niya sa positibong paraan.

"Busy? Busy with someone else?"

Umirap siya sa akin at tinakpan ulit ang aking tumbler saka niya iyon ibinalik sa akin.

"My cousins aren't like that. They always find ways... Less priority ka talaga..." dagdag ko pa.

Sinuklay niya ang buhok paatras na agarang sumabog pero bumalik rin naman sa kani-kanilang lugar.

"If you're brokenhearted because Kuya Trey is not interested with you then don't include us. At least we're texting. Eh kayo ba? Do you even have his number?" Mapang-uyam niyang tanong.

"Wala pero sa future magiging gano'n din kami so whats the point?" Nagkibit ako.

She looked at me sharply.

"I really don't like you for my cousin," ani Irah, bigla iyong sinabi na ikinalingon ko sa kanya.

Ilang ulit niya na 'yang sinasabi sa akin, kahit ako ay ibinabalik ko nalang rin at sinasabing ayaw ko rin siya para kay Kuya Toshi but if she really likes him then who am I to interfere?

"Natatakot kang mahaluan ng maganda ang angkan niyo at malamangan kita 'no?" Ngumisi ako.

Umismid siya.

"Naaawa ako kay Kuya Trey pag sa'yo lang siya mapupunta," aniya.

"Wala kang magagawa since nakadestined si Trey sa akin."

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon