12th Lured

105K 3K 896
                                    

Lured

Selos

Noong mga bandang 9pm na ay nagkakayayaan na sila Ken na pumunta na sa Bar at hayaan nalang ang matatanda na tapusin ang party.

"Saan sila pupunta?" tanong ni Elle nang mapansing hinahakot na ni Ken ang iilan naming mga pinsan at gusto nang umalis.

He's probably excited since he's just going to flirt!

"Magba-bar," sagot ko at nilingon ang banda ni Mommy na nakikipag-usap kina Tita Shy.

"Huh? Sasama ka ba? Kung sasama ka sasama rin ako," aniya.

Sasama ako of course. Naroon si Trey kaya kahit hindi naman kami nag-uusap ng matagal ay gusto ko paring sumama.

Nakita ko na si Ken na si Kuya na ang sinisenyasan na umalis na sila. Tumayo narin ako at lumapit kay Kuya habang si Elle ay sumunod narin sa akin lalo na't naroon rin ang kanyang mga kapatid, katabi ni Kuya na nakapameywang pa.

"Kuya. Sasama ako," sabi ko.

Napatingin si Kuya sa akin at awtomatikong umangat ang kilay.

"Ba't kita isasama kung alam ko lang naman ang gagawin mo?"

Bumusangot agad ako ng husto lalo na't humagalpak pa si Blue sa akin.

"Sasama ka, Kuya? Sasama rin ako pag sasama si Zera!" si Elle.

"Oo sasama ako. Si Red hindi," ani Blue.

Bago pa makapagsalita si Elle ay inunahan na siya ni Red.

"Hindi tayo sasama. Baka mawili ka sa mga ganyan," si Red.

Bumusangot si Elle. Niyugyog ko naman ang braso ni Kuya.

"Sasama ako, Kuya! Magpapaalam ako kay Daddy!" sabi ko.

"Hiro! Tara," si Ken na sumisigaw na habang kasama sina Wayt at Trey na naroon na. Kuya Toshi isn't coming ganoon din si Kuya Grey.

Agad na akong humawak sa braso ni Kuya kahit na pilit niya iyong tinatanggal. Nagawa ko pang magpabigat na ikinabusangot niya kaya sa huli ay inakbayan niya na lamang ako.

"Magpaalam muna tayo kay Mommy at Daddy," aniya na ikinangisi ko.

Bumusangot si Elle na ayaw payagan ni Red. He's not into Bars or parties unlike si Blue na parang nawiwili sa ganoong bagay. Marahil ay nahawaan na ni Ken at napasahan ng virus kaya nacucurious narin siya unlike Red na mas gusto lang talagang sa bahay nalang.

Nagtungo kami sa table nila Mommy. They're laughing with something. Si Daddy ay sumulyap pa sa amin ni Kuya na naroon sa tabing table lang rin with our Titos.

"Ma, alis na kami," ani Kuya na ikinalingon ni Mommy sa amin ng buo.

"Oh... Isasama mo si Zera? You sure?" saka ako nilingon ni Mommy.

"Gusto kong sumama kay Kuya," sabi ko.

Tumango si Mommy at ngumiti.

"Okay. Enjoy, you two... Please drive carefully, Hiro."

Tumango si Kuya. Si Daddy naman ang naninimbang na ang mga mata at pasulyap sulyap agad sa amin, ang tingin niya palang parang hindi niya na gusto ang ideya ng pagsama ko.

"Dad, sa 3DBar na namin ipagpapatuloy ang party," ani Kuya nang makalapit kami roon.

"Sige," saka niya ako nilingon. "Oh ikaw, Zera? Makukulitan lang ang Kuya mo roon sa'yo."

"Dad, gusto kong sumama. Hindi naman ako masyadong magkukulit. And it's Kuya's birthday!" Niyakap ko agad sa beywang si Kuya.

May sasabihin pa sana si Daddy nang mangibabaw ang boses ni Mommy sa likod

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon