Lured
Mutual
Bumalik rin naman ako sa aking upuan. Kumanta parin sila and mga requested nalang ng customer iyon. Kumain nalang ako ng fries habang sina Joy at Maritez ay panay naman tanong kung paano ko naging close si Isaiah.
Pwede ko namang sabihin na he's my barkada's crush kaso kakaiba ang dating noon and they're not that special para ishare ko pa iyon sa kanila.
"Baka naman inaakit-akit mo," ani Lalaine habang nangangalahati na ang beer.
"He's not my type," sabi ko habang ngumunguya.
"Huh? Nakakagulat ka naman, Zera. Ikaw lang ata ang bukod tanging babaeng hindi naaattract kay Isaiah," ani Joy sa gulat na mukha.
Paano ako maattract kung attracted ako sa iba. And Trey is very nice to me unlike ni Isaiah na ang sungit sungit! 'Tsaka may iba rin namang gusto si Isaiah so I just need to help him para pag nakuha na namin ang mga gusto namin, pwede na kaming hindi magkibuan.
"Salamat nga pala sa libre, Zera..." ani Maritez at nginitian ako.
Tumango ako at hindi siya tiningnan sa mga mata. Tinitigan ko nalang ang french fries.
"Ang bait mo. Eh hindi mo naman kami masyadong kilala pero nanlibre ka parin," si Joy naman na kahit hindi ko tingnan ay malawak ang ngiti.
Hindi ako makatingin sa kanilang mga mata at tahimik lang na sumubo. I'm not really comfortable with compliments lalo na kung 'bait' pa na word. May extra naman ako so wala ring kaso kung gumastos ako total may ikakagastos naman ako. Mapagbigay sa akin ang parents ko at hindi sila madamot sa akin kaya gusto ko, ganoon din ako. Ayoko ring magdamot dahil hindi naman ako pinagdadamutan.
Siniko ni Joy si Lalaine na umirap lamang.
"Naiinis ako sa kanya. Hindi niya man lang sinasabi noong una na friends pala sila ni Isaiah," aniya sa nagtatampong boses.
"I didn't know he's a vocalist. And I didn't know he's part of the band," sabi ko na ikinalingon niya.
"Weh? Di nga?"
Umismid nalang ako at ayaw nang masyadong magsalita pa. Bahala nga siya riyan. I don't care.
"Nagsasabi ng totoo si Zera, Lalaine," si Maritez.
"Oo nga... Hayaan mo nalang kasi si Isaiah at suportahan nalang natin sila. Eh fans tayo eh... Kung saan sila masaya, dapat masaya rin tayo," si Joy.
Bumusangot si Lalaine at dismayado nalang na tumango.
"Basta kung kayo man ni Isaiah, h'wag na h'wag mo siyang sasaktan kundi ang rami mong makakalaban na mga fans niya!"
"I said we're not couples." To think na pinagtitripan niya pa ako.
"Malay mo gusto ka ni Isaiah," si Joy na ngumingisi na.
"I don't like him," deritsahan kong bigkas. "May iba akong gusto."
"Malay mo... Eh si Isaiah pa naman mala badboy," si Maritez na humagikhik pa.
"Ibinibigay ko na nga siya sa'yo tapos ganyan ka parin. Eh ikaw nga lang ang kauna-unahang babaeng kinakausap at tiningnan niyan sa mga mata ng matagal. Ako nga nangangarap ng kahit daplis man lang niya akong tingnan pero wala talaga," si Lalaine.
Kumuha ako ng fry at kinagatan. Bakit ba tinutulak ako ng tatlong ito kay Isaiah? Bawal kaming maging couple. I like Trey while he likes Keesha. May plan pa kami and imposibleng mahulog kami sa isa't isa. He's the opposite with the guy I really like.
BINABASA MO ANG
L U R E D (NGS #5)
RomanceZera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to fall inlove with her. Sa larangan ng pangmamanipula at pang-aakit, nangunguna ang kanilang pamilya...