Lured
This chapter is dedicated to Femenelle Alcantara. Happy reading!
---------Lonely
Binuksan ko rin naman ang aking Damonisse Cafe sa publiko pagkatapos ng ilang buwan. Maganda naman ang unang araw noon dahil marami agad ang pumunta at nasatisfy naman ang mga customer na nasa menu lalo na ang loob na sobrang comfy.
Architect South Buenaventura designed the interior design of my cafe. Elegante ang loob katulad ng gusto ko at hindi masakit sa mga mata ang kulay na ginamit.
The beige walls have vertical wood panels design with small white frames on it. The ceiling has a decorative lighting, complementing its materials. Ang counter area ay halos black lahat ganoon rin ang menu. Pagkapasok mo ay bubungad agad sa harapan ang mahaba na counter kung saan nakadisplay ang mga cakes sa gilid na nasa loob ng transparent glass, sa kabilang side naman ay mga coffee maker ganoon rin ang mga macaroons at snacks na nakadisplay at sa ibaba noon ay mga shelves kung saan nakalagay ang iilan pang mga gamit.
May four seated brown tables with small gray couches sa gitna para sa mga gustong mas relax, meron ring two seated brown table, ang mga upuan ay mala stool at pabilog naman ang mesa na malapit sa itim na walls and single high stools na nakalinya sa mahabang mesa sa kabilang side. Ang sahig ay gawa sa makintab na mahogany at kumu-complement rin. iyon sa kulay ng wood panels.
My cafe can accomodate 50 customers over-all lalo na't may second floor rin naman kung saan matatanaw mo lang rin sa ibaba. South even used transparent glass walls outside to view the interior design of the cafe and attract customers.
Wala akong naging reklamo ni isa sa kanyang gawa. No wonder he's a well-payed Architect because he really satisfies his customers.
"Congrats with your new cafe, honey! I am so proud of you!" Niyakap ako ni Mommy ng mahigpit dito sa counter area.
"Thanks, Mommy. Do you like the design of my cafe?" tanong ko nang humiwalay siya.
"Of course! It's very elegant. Feeling ko nasa ibang bansa ako," aniya nang gumala ang mga mata.
"Thanks, Mommy..."
Ibinalik ni Mommy sa akin ang buo niyang atensyon. Pinisil niya ang aking kamay.
"Kumusta ka naman? Hindi ka masyadong umuuwi sa bahay. Are you fine living alone? Hindi ka ba nalulungkot doon eh mag-isa ka lang."
Umiling ako at ayaw nang magkwento ng kung ano ano na ikakaalala niya.
"Okay lang naman. Pagdating ko rin kasi roon eh bagsak na agad ako sa pagod at mabilis na nakakatulog," pagsisinungaling ko nalang.
Mommy caress my cheek. Ang kanyang mga mata ay namungay sa akin.
"I really hope you're okay. You can call me if you want someone to talk to, Zera."
I will never hide my pain when it comes to my Mom. Kahit na nahahalata niya ay sinikap ko nalang na ngumiti.
"I'm fine, Mommy. But I'll call you next time..."
Noong hapong iyon ay si Daddy naman ang dumating. Nagdala ito ng bulaklak at pumasok sa aking cafe with his corporate attire. Natuwa ako ng husto roon at natawa pa nang binigyan niya ako ng frame kung saan buhat buhat niya ako noong baby pa lamang ako.
Kahit ang mga pinsan ko ay hindi rin pinalampas ang araw na iyon. Sa gabi pa lang ay nagsidatingan na sila na may mga dala pang bulaklak at pinuno ang second floor area. Sobra nilang ingay habang pinagdidikit ang four seated tables at inukupa isa isa ang mga couches.
BINABASA MO ANG
L U R E D (NGS #5)
Lãng mạnZera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to fall inlove with her. Sa larangan ng pangmamanipula at pang-aakit, nangunguna ang kanilang pamilya...