40th Lured

120K 2.9K 673
                                    

Lured

This chapter is dedicated to Liezel Diane Castillo. Happy reading!
-----------

Sad

Sumasakit ang ulo ko sa iritasyon kay Isaiah. Hindi na ako muling lumapit pa sa table nila at nanatili nalang sa counter.

Kung sinasadya niya man iyong landiin sa mismong Cafe ko pa talaga ay gusto ko na silang itulak palabas.

Is he making me jealous? At bakit? Para gantihan ako sa ginawa ko sa kanya noon? Gusto niyang ipamukha sa akin na masaya siya at marami siyang babaeng makukuha kahit na itinulak ko siya?

He didn't know my reason! Ginawa ko iyon para sa kanya. I made some white lies just to pushed him away.

Pero naisip ko rin kung ano ang naging epekto noon sa kanya. I can't judge his pain. Nasaktan nga ako sa ginawa ko ano pa kaya na siya eh sinaktan ko siya ng husto?

Hindi ko nalang masyadong binigdeal ang kanyang pinaggagawa araw araw sa aking cafe. Nagdadala siya ng babae at nag-uusap sila. Paiba iba pa iyon at hindi ko alam kung saan niya lahat napulot.

Pag ako ang naghahatid ng kanyang kape, ang palagi kong tinititigan ay ang leeg niyang nakabalandra na at minsan ay natatakpan naman ang ilang letra. Those are four letters. Or five? But it looks like four! I just hate the neckline of his jacket dahil natatakpan minsan kaya hindi ko nakikita ng maayos. Siguro... Siguro Zera iyon?

Gaga. Wala naman akong nakitang Z. Alangan naman bigla ko ring hilain pababa ang kwelyo ng kanyang suot at bilangin edi mas naging sobrang weird! And I don't know how to read it but I'm really curious. Malay natin baka Zera iyon.

May mga araw rin namang mag-isa lamang si Isaiah and those were the days I tried on hitting on him. Hindi talaga siya kumikibo sa akin pero hindi rin naman masyadong nagagalit. Iyong simpleng walang pakialam lang.

Sabado iyon noong nag-order lang siya ng black coffee at umupo sa two seated table with his laptop at seryosong seryoso, mag-isa at walang kasama.

"Iyan ba iyong follow-up order ng maarte nating customer?" tanong ko kay Thalia na kumukuha na ng mousse cake at inilalagay iyon sa platito.

We named Isaiah as our maarteng customer. Siya lang kasi ang bukod tanging customer namin na nakakailang reklamo pero pabalik balik naman dito. They're suspecting he's living near our Cafe or may binabalik balikan daw ito rito.

Baka kasi ako?

"Opo, Ma'am..." sagot ni Thalia at inilagay iyon sa tray.

Tumayo ako. Napatingin naman si Camilo sa akin na nasa harap ng coffee maker at gumagawa ng panibagong kape.

"Ako na," sabi ko at nilapitan si Thalia.

Nagulat agad ito, nag-aalangang ibigay iyon sa akin.

"Sigurado ka po, Ma'am?"

Tumango ako at kinuha iyon. Nagpaubaya naman si Thalia at ibinigay iyon sa akin.

Dinala ko iyon palabas ng counter. Maingat akong naglakad patungo sa kanyang table suot ang aking offshoulder sweetheart dress and heels.

Pagdating ko roon ay marahan ko iyong inilapag sa kanyang gilid. Hindi naman kumibo si Isaiah, seryosong may tinitipa sa kanyang laptop at naka plain black t shirt at denim jacket na nakarolyo, jeans tsaka itim na boots.

He smells really really expensive now. Kahit hindi ako lumapit ng husto ay parang tumatagas ang marangyang amoy sa kanyang katawan.

Agaw pansin ang kanyang suot na silver na kwintas. Tumagilid ang aking ulo at sinilip ulit ang kanyang baybayin na portrait tattoo. Binilang ko iyon ulit. I'm confuse if it's four or five since the neckline of his denim jacket is covering some of its part...

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon