11th Lured

108K 2.3K 400
                                    

Lured

Birthday

"Si Isaiah ang tipo ng lalakeng hindi mo pwedeng lapitan basta-basta dahil parang palaging galit ang mga mata, Zera," ani Keesha sa bigong boses.

I crunched my nose and brushed my fingers using my fingertips.

"Is that so?"

Tumango siya.

"Hindi ko siya nakikitang... may pinapansin," aniya at nag-iwas ng tingin. "Pero nakita ko kayong nag-uusap."

"I can help you with him if you like," sabi ko na mabilis niyang ikinalingon, nagulat na.

Sumubo ako at hindi masyadong nagbigay ng buong atensyon sa kanya while she's staring at me too much, shocked and amused.

She's very easy to read. Bakit parang may gusto ito kay Isaiah? Her twinkled eyes says it all.

"Pero baka kung ano ring sabihin ni Trey pag nalaman niya. He might think I'm doing this to ruin you two so nevermind." Ngumiti ako sa kanya na ikinailing niya agad.

"H-Hindi ko nalang babanggitin kay Trey. A-At hindi ko pa naman siya sinasagot eh..."

It was a sure ball. Keesha will surely going to like back Isaiah since I can sense she likes someone who's like him, o baka nga si Isaiah ang tinutukoy niya eh.

Alright! I'm going to play as cupid para naman magkalovelife itong torpeng si Isaiah!

Sa susunod na mga araw ay nahahalata ko na ang pagkainteresado ni Keesha sa aking sinabi. Palagi niya akong binabati sa tuwing nagkakasalubong kami o minsan pa ay sa tuwing kasama niya si Trey.

"Hi Zera..." aniya at ngumiti sa akin.

Tipid akong ngumiti at nilingon si Trey na ngumiti narin sa akin.

"Nasaan ang Kuya mo?" tanong niya.

"I think he has classes right now," sabi ko na ikinatango ni Trey at nilingon si Keesha.

Nagpaalam rin naman ako dahil ayokong masyadong masaksihan kung paano niya ito lalandiin. Masakit sa mata.

Ganoon lamang ako pinapansin ni Trey. He's going to ask me about my cousins or my Kuya pero pagkatapos noon ay wala na. Meron ring mga araw na mararamdaman ko lang na concern siya sa akin na akala mo ay kapatid niya akong babae pero ni minsan ay hindi talaga nagbigay ng motibo na may pag-asa kaming dalawa.

I always question what's wrong with him pero ayoko rin namang masyado iyong isipin. I don't want to hurt myself.

Naging busy kami sa P.E. We need to perform a dance next week kaya todo practice na kami sa gymnasium kasama ang aking mga kaklase.

"Nangangawit na ang paa ko. I don't know hiphop!" ani Elle na yumuko na at pawisan.

Hindi kami magkagrupo. Ang kanilang lider ay mas piniling hiphop ang gawin habang kami naman ay sexy dance. Kanina ay kulang nalang gumulong gulong ako sa sahig dahil sa nakakaakit na steppings.

"I don't know how to break dance!" mas nagreklamo pa si Elle at maarteng pinaypayan ang sarili.

Hindi ako kumibo roon at nilingon si Irah na naka P.E. rin. She's sweaty too pero ngayon ay nakaupo na sa bleachers at umiinom ng tubig. Kagrupo ko siya and she knows how to dance a bit pero iyong klaseng sayaw na para lang talaga sa grado.

Marunong akong sumayaw at flexible naman ang katawan ko kaya hindi iyon mahirap sa akin. I know how to split and bend and I really know how to sway my hips and grind so hindi ako masyadong nahihirapan.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon