42nd Lured

125K 3K 948
                                    

Lured

This chapter is dedicated to Lyz dela Cruz. Happy birthday and happy reading!
-----------

Marupok

Tinitigan ko ng mabuti si Camilo na nakatitig sa hawak na tasa. Gumawa ako ng Espresso para matikman nila. Gusto kong siguraduhin na pangit talaga ang lasa noon.

"Titikman ko na, Ma'am..." ani Camilo na ikinatango ko.

Dahan dahan siyang sumimsim doon. Nakita ko kung paano humaplos ang kape sa kanyang labi pero bago pa lumagok ay mabilis niya na iyong ibinaba at nasira ang mukha.

Namilog ang mga mata nila Thalia. Mabilis siyang nagsalin ng tubig at uminom.

"Grabe ka naman makareact, Camilo!" si Cleo iyon nang sundan rin ng tingin si Camilo.

"Oo nga... Ang oa mo. Eh nagugustuhan nga noong maarte nating customer ikaw pa kaya," si Gail naman na bahagyang natawa.

Hinaplos ko ang aking buhok.

"I think it really tastes awful. Right... Camilo?"

Hindi agad nakareact si Camilo. Ibinaba niya ang baso ng tubig at pinunasan ang bibig gamit ang kamay.

"Hindi naman, Ma'am... Grabe naman po," si Thalia.

Umiling ako. "No... Tinikman ko rin eh. Hindi naman ako maooffend kasi ang pangit talaga ng lasa."

"Oo Ma'am... Parang... Parang may gusto kayong lasunin sa kape niyo," ani Camilo.

Pinandilatan agad siya ng mga mata ng mga babae. Kahit si Cleo ay siniko pa siya na malapit lamang sa kanya.

"Sisisantehin ka talaga ni Ma'am! Napaka mapanglait mo naman!" si Krizza, pabirong tumawa.

"Okay lang. Mas gusto ko nga iyong honest eh," sabi ko na ikinakalma naman ng kanilang ekspresyon.

Humilig si Camilo sa gilid ng counter at nasa mukha parin ang pagkadismaya sa lasa.

"Ganoon pala ang taste noong maarte nating customer?" tanong niya.

Siguro nga... Siguro ganoon parin ang taste ni Isaiah. Gusto niya parin iyong masasamang lasa ng luto ko, o ng gawa ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano but it really gave me hope that he still likes me... kahit kaonti. Parang may natitira pa.

"Oo nga eh... Pag timpla ni Ma'am hindi iyon nagrereklamo," si Thalia na nagtataka narin ang mukha.

Inangat ni Cleo ang tasa ng gawa kong kape at sumimsim narin doon. Pero katulad ng reaksyon ni Camilo ay halos ibuga niya narin ang kanyang iniinom.

"Ano ba 'yan, Cleo!" Natatawang si Thalia.

Mabilis na inilapag ni Cleo ang tasa at nagsalin rin ng tubig sa counter. Uminom siya roon at nang makabawi ay nag peace sign sa akin.

"Ma'am... No offense pero ang sama po talaga ng lasa," aniya.

Tumango ako at hindi nagpakita ng pagkadismaya sa kanilang naging reaksyon. Ganoon rin naman kasi ang naging reaksyon ko kanina.

Humalukipkip ako at sumandal sa counter habang sila naman ay pinag-uusapan na ang lasa ng aking kape.

Hmm... Should I ask Isaiah about it? At anong itatanong mo, aber, Zera? 'Isaiah. Why do you like my coffee? It tastes awful.' At ano ang isasagot niya kung ganoon? Hmm... Maybe ganito. 'I like your taste, Damonisse.' In a very erotic way...

Oh fuck. Mali! Mali!

Iba na ata iyon! I think it's not my coffee anymore! What the heck, Zera. Sa lahat ng maiisip mo iyan pa talaga?

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon