48th Lured

165K 3.7K 627
                                    

Lured

This chapter is dedicated to Fatima Naog. Happy birthday and happy reading!
------------

Warning: SPG

Crazy

Maaga ulit akong nagsuka. Iyon na naman ang gumising sa akin at para na namang hinuhukay ang aking tiyan.

Nagising ko rin si Isaiah dahil doon. Kami nang dalawa ngayon ang narito sa countertop habang ipinagtitimpla niya ako ng mainit na gatas.

Tinitigan ko ang kanyang ginagawa. I am wearing his thick jacket habang nakapangalumbaba roon sa stool.

"Do you want coffee?" tanong ko pagkatapos niyang itinulak sa aking gawi ang baso ng gatas.

"Your own version of Espresso?" May pang-aasar ang boses na iyon kaya naningkit agad ang aking mga mata sa kanya.

"My coffee tastes like hell. Natikman ko," sabi ko sa dismayadong boses.

Humilig narin siya sa counter at inilebel ang gwapong mukha sa akin. He got this smug on his face na nagpasimangot lalo sa akin.

"I always like it even if it's the worst." Ngumisi siya na ikinairap ko.

Inaamin niya na talaga na sobrang sama ng lasa noon.

"Drink your milk now..."

Hinawakan ko ang katawan nito at hinaplos. Medyo mainit pa iyon pero sakto lang naman.

"Camilo taught me well and I really thought I learned..." bigkas ko.

Dumilim agad ang guwapong mukha ni Isaiah. Halos makita ko ang pagbusangot niya dahil sa binanggit kong pangalan.

"Your fucking Barista?" he said in a hard tone.

Nanliit ang aking mga mata sa kanya.

"Camilo is nice."

"You're smiling at him too much. I hate it."

"Eh ganoon ka rin naman sa mga kliyente mo ah?"

"Don't change the subject. We're talking about yours not mine," aniya.

Umismid ako at ininom iyong gatas. Pinanood niya naman ako habang malalim akong tinititigan.

Ibinaba ko iyong baso. Umangat ang kanyang kamay at pinunasan ang gilid ng aking labi.

"Parehas parin naman tayong nagngingitian sa iba ah? Iyon ang point ko," giit ko, nakikipagbatehan sa isang abogado.

I think I'm going to win a conversation with Isaiah... Baka sa court, pag naging abogado rin ako ay matatalo ko siya sa isang hearing. Feeling ko talaga... Pag hindi naman siya magpapatalo ay malalagot siya sa akin.

I giggled with my own thoughts. Isaiah's brows furrowed, takang taka. Bago niya pa maisaboses ang pag-awang ng kanyang bibig ay nagring na ang kanyang cellphone.

Dinukot niya iyon at tiningnan ang screen. Sinilip ko rin iyon at nakita ang pangalang Ms. Madrigal.

"Who's that?" tanong ko.

"Kaira Madrigal. One of my clients," sabi niya at sinagot iyon. He even press the loudspeak button at inilagay iyon sa gilid.

Naroon na ang aking mga mata. Nagkasalubong agad ang aking kilay nang marinig ang pangalan na Kaira. Iyan iyong bwesit na kasama ni Isaiah na kung makasabi sa akin ng sawsawera akala mo kung sino. She irritates me alot!

"Good morning Isaiah..." bati nito.

"Morning," si Isaiah naman, walang ka amor amor ang pagbati at binanggit lamang iyon.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon