32nd Lured

93.2K 2.1K 1.6K
                                    

Lured

This chapter is dedicated to Bea Balindan. Belated happy birthday and happy reading!
---------

Complicated

Nagkikita kami ni Trey sa school ganoon rin nila Davin, Silas at Castel. Hindi ko alam kung galit sila sa akin dahil sa nangyari kay Isaiah pero pinapansin parin naman nila ako.

Hindi ko rin alam kung galit ba si Trey sa akin pagkatapos niyang malaman kay Keesha ang ginawa ko. Umiiwas nalang ako at hindi na gaanong tumatambay sa gym para manood ng basketball o dumadaan sa building nila.

Pero may mga araw na kahit anong iwas ko ay kusa talaga kaming pinagtatagpo.

Lunes iyon nang matagalan ang driver namin sa pagsundo sa akin. Nauna na si Elle sa akin kasama ang kanyang mga kuya.Sa kakahintay ko sa may parking lot ay may dumaan nang pamilyar na Ford na sasakyan sa aking tabi.

Huminto iyon sa aking harapan at bumukas ang front seat. Nakita ko agad si Trey sa loob.

"Ihahatid na kita total pauwi na rin ako."

Hindi agad ako nakakilos. May parte sa akin ang ayaw pumayag dahil ayokong magalit si Isaiah pero may parte rin sa akin ang sinusulsulan akong sumakay nalang.

"Come on, Zera. Lalamukin ka rito kakahintay," aniya at ngumisi sa akin.

Nilingon ko ang paligid at wala pa talaga ang aking sundo. Ibinalik ko sa kanya ang aking tingin at tumango saka ako pumasok.

Isinara ko ang pintuan at naramdaman agad ang lamig na yumakap sa aking katawan dahil sa full blast na aircon. Nanunuot narin sa aking ilong ang pamilyar niyang pabango na nakasanayan ko sa kanya.

Hinila ko ang seatbelt habang nagsisimula na ulit siyang magmaneho.

Inilagay ko sa aking kandungan ang aking bag at medyo nakaramdam ng awkwardness sa pagitan namin lalo na't nangingibabaw rin ang katahimikan.

Sa gilid ng aking mga mata, nakita ko siyang sumulyap sa akin. Sumulyap rin ako sa kanya hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa. Umawang ang kanyang bibig at may sasabihin sana nang natutop rin iyon saka niya pinasadahan ng haplos ang buhok at ibinalik ang mga mata sa kalsada.

Nag-iwas rin naman ako ng tingin at pinaglaruan ang zipper sa aking bag. Alam kong gusto niyang magtanong sa amin ni Isaiah pero mukhang hindi niya lang alam kung paano iyon itatanong.

"Kumusta ka naman?" tanong niya, tuluyang binasag ang katahimikan.

Nilingon ko siyang muli at ngumiti ng bahagya.

"Okay lang naman..."

Tumango siya at binasa ang labi. Napadpad naman ang aking mga mata sa mga daliri niyang nagtatap sa manibela.

"Good... Akala ko ay naapektuhan ka sa binibintang ni Keesha sa'yo."

"Ikaw ba... Naniniwala ka na..."

Nilingon niya ako at agarang umiling.

"I've watched you grow, Zera. You're maybe naughty and playful but you're not that manipulative... Baka iyong Kuya mo pa dahil masyadong creepy minsan." Ngumisi siya sa akin kaya napangisi narin ako.

"Kuya is really creepy..." sabi ko kaya nagtawanan kaming dalawa.

Kinagat ko ang aking labi at nalaglag ang mga mata sa aking kandungan. Gusto kong matuwa sa sinabi niyang hindi naman siya naniniwala kay Keesha na kaya ko iyong gawin pero masakit para sa akin na mas nakaya niyang paniwalaan ang bintang ni Keesha kay Isaiah eh kaibigan niya rin naman sana ito.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon