55th Lured

165K 3.4K 2.3K
                                    

Lured

This chapter is dedicated to Marianne Stephanie Raguindin. Happy reading!
-------------

Worth The Pain

Mabilis kong pinaharurot ang aking kotse. Ang speed limit ay lumalagpas na sa sixty para lang mahabol ang puting cheap na kotseng minamaneho ni Kaira.

"Slow down!" sigaw ni Irah sa akin, nakaseatbelt na ganoon din ako.

Imbes bagalan ay mas binilisan ko pa. Umirap ng husto si Irah at kumuha na ng unan na nakafile sa likod para ilagay sa banda ng kanyang ganoon at ganoon din akin.

"Your cousin will kill us if something bad happened, Zera! Ayaw kong makatay ni Toshi pag napahamak ang anak niya at mas lalong ayaw kong makatay ni Isaiah!"

"Hindi nila tayo kakatayin dahil si Kaira ang kakatayin natin!"

"Just fucking slow down!"

Hindi ako nakinig kay Irah at mas inapakan ko pa ang accelerator na ikinabilis lalo ng speed ng aking kotse. Binusinahan ko ang nasa unahan na kotse hanggang sa tumabi ito at pinadaan ako. Nakita ko agad ang puting kotse ni Kaira kaya mas umabante pa ako hanggang sa nakita kong dahan dahan na itong humihinto dahil sa traffic.

"Stop the car, Zera!" Natatarantang sigaw ni Irah nang makitang hindi parin ako humihinto.

"Oh my gosh!" Nagpanic siya.

Sinamaan ko ng tingin ang kotse niya hanggang sa naramdaman ko nalang kung paano bumangga ang kotse namin sa bumper ng kotse ni Kaira at gumawa pa iyon ng malakas na ingay.

Mabilis akong nagbreak. Halos matilapon kaming dalawa sa harap pero mabuti nalang at kapwa kami nakaseatbelt.

Namilog ang mga mata ni Irah, ganoon din ako at dahan dahan kaming nagkatinginan. Dumagsa ang takot sa kanyang mukha ganoon din ako na napalunok. Nahimasmasan ako bigla sa aking galit nang mapagtantong nabangga nga kami.

"May dumudugo ba sa akin? Check me!" Nanginginig akong hinawakan ni Irah.

Umiling ako, kahit ang aking sarili ay tiningnan ko narin at wala naman. Thank God! Now I'm really dead if Isaiah found out about this!

Nagkagulo na sa labas. Kitang kita ko kung paano kami pinagkaguluhan at kung paano lumabas si Kaira, laglag panga habang nakatingin sa wasak niyang bumper.

May iilan na tumatawag na ng kung ano at may ilan na todo suporta rin kay Kaira na inaalalayan ito.

Hindi kami lumabas ni Irah. Kagat kagat ko ang aking labi at pinaglalaruan ang aking mga daliri.

"What should we do?" tanong ni Irah.

Nagkibit ako. "Hindi ko rin alam..."

Kapwa kami bumuntong hininga at tiningnan ang dumaraming tao na nang-uusisa sa banggaan. May iilang kotse naman na bago kami lagpasan ay dinudungaw pa kami sa bintana.

Ilang sandali lamang ay may dumating nang police mobile.

"We'll get sued for this!" sigaw ni Irah.

"Your Dad is a lawyer and Isaiah is a lawyer. Chill..." sabi ko.

"What chill? My Dad will kill me if I survive this! Baka sa kanya pa ako malagot, Zera! And we're freaking pregnant!"

"So kasalanan ko na ngayon? You agreed with my plan, too!"

"Pero hindi ang banggain ang kotse niya! Dapat iyong bitch ang may damage hindi ang kotse! Hindi tayo!"

Bumusangot ako. Fine! Fine! Eh nilalamon na ako ng galit ko! Ayokong makaabot siya roon kay Isaiah! And nothing happened naman sa amin, right? Iyon ang importante.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon