Lured
This chapter is dedicated to Floramae Ronquillo Salidad. Happy reading!
---------Baby
Sumusunod lang ako kay Isaiah na hinahakot ang aking mga gamit habang panay ang hikbi at hingos. Ang pula pula na ng aking ilong. Hindi pa matigil tigil ang aking mga luha.
Nafufrustrate ako. Napaghandaan ko naman sana na babalik siya sa akin pero dahil lang sa baby pero iyong pinapamukha niya talaga ay ang sakit sakit parin.
He's a lawyer... at kliyente niya ang mga iyon. Really huh? Eh ba't ganoon siya ka sweet sa kanila? Ano 'yan? May pa extra service si Attorney?
Inilagay niya ang aking mga gamit sa likod ng kotse. Pinalis ko ang mga luha at kasabay noon ang paglingon niya sa akin. May dinukot siya sa kanyang short at ibinigay sa akin ang panyo. Sa pagkairita ko ulit ay hinawi ko iyon kaya nalaglag na talaga sa sahig.
Nanliit ang kanyang mga mata sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Stop crying," sabi niya, ang boses ay nafufrustrate narin.
"Anong gusto mo? Humalakhak ako? Tumawa tawa ako?"
Tumitig siya sa akin, kalmado lamang ang ekspresyon. Nagpunas ulit ako ng luha dahil mas rumagasa na iyon. Isaiah sighed heavily and pulled my waist closer to him.
Nagulat ako lalo na't nadikit agad ako sa kanyang dibdib. Gusto ko sana siyang suntukin kaso masyado siyang mabango at doon na nabaling ang aking atensyon.
"Lumayo ka nga!" sigaw ko kahit na ako rin itong hindi umaatras.
Dinungaw niya ang aking ekspresyon, inangatan ako ng kilay.
"Push me," nanghahamon niyang sabi at tila sinasamantala ang ginagawa kong hindi nagpupumiglas.
Itinulak ko nga siya. Galit ko siyang tiningnan. Napaatras naman ito at kinagat lang ang labi saka niya pinasadahan ng haplos ang buhok.
Umirap ako at naglakad patungo sa front seat para doon ituloy ang aking pag-iyak.
He was still busy outside with my things. Nililingon lingon ko siya roon at inaayos niya pa ang aking mga gamit. Nang napansin niyang tumitingin tingin ako ay agad akong umirap.
Nakakafrustrate si Isaiah! Sobrang nakakabwesit!
Pumasok rin naman siya sa drivers seat. Marahas kong hinila ang seatbelt para hindi niya na iyon gawin para sa akin. Isaiah watched me how I do it. Nang matapos rin naman ako ay tinakpan ko ulit ang mukha ko at umiyak ulit. Para akong namatayan sa laki ng mga luhang pinapatak! Basta sobra akong nafufrustrate sa kanya!
Tahimik siyang nagmaneho. Tumahimik rin naman ako sa gitna ng byahe at natuyo na ang mga luha. Nasa labas lamang ng bintana ang aking tingin at nakikita ko pa sa salamin ang pulang pula kong ilong. I should stop crying! Pero sa tuwing naiisip ko rin ang mga pinagsasabi niya, ang reaksyon niya, ay nafufrustrate lang ulit ako.
He only cares for the baby... Nanggaling talaga iyon sa kanyang bibig! Kahit man lang sana ipinaramdam niya sa akin na hindi siya nagsisisi pero taliwas sa gusto kong maramdaman ang ginagawa niya. I feel bad for myself and for the baby.
"I still have my meeting later and if you like... you can come with me-"
"Pakialam ko riyan," putol ko sa galit na boses, hindi siya nilingon.
"Tapos pag iiwan kitang mag-isa iiyak ka lang buong oras?"
Hindi ako kumibo at tiningnan lang ang mga nalalagpasan naming mga kotse. Ayokong sumama sa kanya, sa mga lakad niya. Ipapamukha niya lang sa akin na nasa kanila ang buong atensyon niya. Ganoon naman ang gagawin niya. Siguradong sigurado ako.
BINABASA MO ANG
L U R E D (NGS #5)
RomanceZera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to fall inlove with her. Sa larangan ng pangmamanipula at pang-aakit, nangunguna ang kanilang pamilya...