52nd Lured

154K 3.5K 1.1K
                                    

Lured

This chapter is dedicated to Hanna Esquejo. Happy reading!
-----------

More Than My Life

Nagising nalang ako na nasa kandungan parin ni Isaiah. May boses akong naririnig sa harap at mukhang dumating na nga ang kanyang kliyente.

I got tired after what we did. Ni hindi na ako nakalipat sa sofa at dito nalang sa kanyang kandungan naidlip. I drained all my energy. Ramdam ko parin ang hapdi...

Bahagya akong gumalaw. Sinilip ni Isaiah ang aking mukha. Hinagkan niya ang aking ulo. Nilingon ko kung sino ang nasa harap at nakita ang isang babaeng nasa thirties na habang nakangiti sa amin.

"Oh... Ang ganda naman..." aniya nang magkasalubong ang aming mga mata.

I smiled a bit at itinago ang aking mukha sa leeg ni Isaiah.

"Ang ganda ganda ng asawa mo, Attorney..." dagdag pa nito.

"Thanks..." si Isaiah.

"May anak na ba kayo?"

"She's pregnant," sagot ni Isaiah, ang boses ay nagmamalaki.

"Oh... Kaya pala ganyan ka clingy. Ikaw ata ang pinaglilihian. Ganoon pa naman ang mga buntis. Palaging gustong nilalambing ng asawa."

"Ganoon nga siya. She's madly inlove with me," pagmamayabang niya.

Ako pa talaga ngayon? At bakit Zera? Hindi ba?

Tumawa iyong babae sa harap.

"Sigurado akong ang guwapo ng anak niyo. Kung babae man ay magmamana iyan sa Mommy. Ang ganda ganda rin..."

Nagpatuloy ang kanilang topic tungkol sa amin ni Isaiah. She even suggested some vitamins for me. Ang rami niyang payo kay Isaiah habang nakikinig lang rin ako lalo na't hinihila parin ng antok ang aking mga mata.

Nagpaalam rin naman ang kanyang kliyente. Si Isaiah naman ay nag-order ng pagkain para sa akin.

Doon na ako umupo sa sofa lalo na't baka madumihan pa ang mga papel na nasa mesa niya dahil sa mga pagkain. Katabi ko siya roon. Ang sabi niya sa akin ay may isa pa siyang kliyente and after that ay uuwi narin kami.

Anong oras narin ba? Chineck ko ang suot kong wrist watch at nakitang alas dos y media na pala. Dalwang oras ako nakatulog! Masyado niya akong pinagod.

"Is this soundproof?" Iginala ko ang mga mata sa paligid ng kanyang office.

"I don't know. Why?"

Namilog ang aking mga mata sa sagot ni Isaiah.

"A-Ang ingay ko ba kanina?" Namula ang aking pisngi nang mapagtanto ang kasabikan ko sa ginagawa at nadala na, nakalimutang hindi lang pala kami ang mga tao rito.

Tumango siya. "Maingay ka naman talaga palagi. You scream too much everytime we're doing it..." Nanunuya ang ngising pumaskil sa kanyang labi.

Bumusangot ako. "Nakakahiya, Isaiah!" Pinalipad ko ang aking kamay sa kanyang braso.

Hinuli niya iyon at hinalikan ang likod ng aking palad. Umirap ako, naiisip ang boses ko na sigurado akong pinagpipyestahan na marahil sa labas.

"No one heard you. O kung meron man, mas mabuti nga iyon nang malaman nilang akin ka lang."

Damn... Ang possessive!

Mga alas tres ay naging busy na si Isaiah. Nasa harap naman ako ng kanyang computer at naglaro roon ng games. Ilang sandali lamang at may kumatok.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon