25th Lured

112K 2.8K 476
                                    

Lured

This chapter is dedicated to Aira Lengua Avila. Happy reading!
---------

Luha

Tulala na lamang ako sa mga sumunod na subjects. What should I do?! I want to talk to him. Gusto kong mag-explain na wala lang naman iyon. Kinagat ko ang aking labi at nagtipa ng mensahe sa kanya habang pauwi na ako sa bahay, sa aking tabi naman sa likod sa SUV ay si Kuya na tahimik na nakasuot ng earphone.

Ako:

It's not what you think.

Ilang sigundo ay wala paring reply hindi kagaya noon na pag nagtext ako ay mabilis agad na susunod ang kanyang reply.

Nagtipa akong muli.

Ako:

Kumain lang kami! Nothing happened!

Halos dumugo na ang aking labi sa lakas ng aking kagat. Gosh! Sigurado akong dededmahin ako noon! Kung hindi ko siya susuyuin sa personal, mas mahihirapan akong paamuhin siya sa text text lang dahil alam ko talagang wala akong mapapala sa bagay na iyon. Alam kong magmamatigas siya.

Ako:

We didn't kiss...

Nagtipa akong muli at tinadtad siya ng text.

Ako:

Kumain lang kami. 'Yon lang.

Ako:

Mabilis lang naman 'yon.

Sa aking frustration ay naibato ko na ang aking cellphone sa harap. Nasabunutan ko pa ang aking buhok sa panggigigil kaya nagulat si Kuya at nilingon na ako.

"Nababaliw kana ba?" tanong niya at pinulot ang aking cellphone sa paanan.

Inilahad iyon ni Kuya pero hinawi ko lang ulit iyon sa aking inis kaya nalaglag muli. Nagkasalubong ang kilay ni Kuya. Imbes na pulutin iyon ay nagawa pang sipain kaya napunta na sa pinakailalim.

Humalukipkip ako at matalim na tiningnan ang labas. Sumasabog na ang aking pakiramdam at naiinis na ako ng husto. Ba't ayaw niyang maniwala? Okay sana na nagkiss kami ni Trey pero hindi naman ah! Kumain lang naman! What's wrong with him?!

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pag-iling ni Kuya.

"Ano na namang kasalanan mo?"

Mabilis ko siyang nilingon at pinaningkitan ng mga mata.

"Bakit ako ang may kasalanan? Ayaw niyang magreply eh nag-eexplain na nga ako!"

Napaismid siya. "Brat."

Umirap ako at ibinalik muli ang mga mata sa labas ng bintana. Kung hindi siya magrereply then fine hindi ko siya ititext. Siguro naman susuyuin niya rin ako, right? Alam ko 'yon... Hindi ako matitiis ni Isaiah.

Pero paano kung hindi, Zera? Sa inyong dalawa, mas matigas iyon! Mas maarte! Mas snob. Hari nga ng pangdededma ng mga babae ang lalakeng iyon tapos magpapasuyo ka pa?

Oh right... Fine fine... Susuyuin ko siya.

Hindi ko kinuha ang aking cellphone at hinayaan nalang sa kotse. Ayokong mafrustrate lalo pag nakita kong wala siyang reply at baka mabasag ko lang iyon.

Tuesday. Hindi akma ang breaktime namin at alam kong wala siya roon sa kalindary kaya hindi ko siya napuntahan. Sumilip rin ako sa gym pero hindi naman sila naglalaro ng basketball.

Wednesday. Noong sumapit ang break time ko ay mabilis akong nagtungo sa kalindary but he's not there! Hindi ko rin siya matyempuhan sa hallway. Walang bakas ni Isaiah. Para talagang pinagtataguan niya ako.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon