18th Lured

111K 2.9K 757
                                    

Lured

Date

Natulala ako sa Clubhouse ng court habang naglalaro sina Kuya ng basketball sa gabi ng Sabadong iyon.

Sinundan ko ng tingin si Trey na humahalakhak habang pawisan ang buhok at nakipaghigh five agad kay Castel.

May kung ano silang pinag-uusapan na hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin at sinusundan lang ng tingin si Trey.

I don't feel the same way anymore. Sa tuwing nakikita ko siyang tumatawa, nakikita ko sa isipan ko ang pagkakasalubong ng kilay ni Isaiah na iritang irita na. Sa tuwing nakikita ko siyang ngumingisi, nakikita ko rin sa aking isipan ang nakangising si Isaiah habang ipinagmamayabang ang kanyang dimple at sa tuwing nagtatama ang aming mga mata ni Trey, si Isaiah agad ang nakikita ko sa aking isipan, kung paano niya ako tinititigan ng malalim.

Trey is nice and goodlooking while Isaiah is very snob and intimidating pero bakit... Bakit parang mas bumibigat ata si Isaiah sa timbangan at siya na ngayon ang mas matimbang?

Napatalon nalang ako sa gulat nang bigla akong pinitik ni Kuya Hiro na ngayon ay nasa aking tabi na pala.

"Titig na titig ah? Balak mong tunawin?" aniya at pinunasan ang sariling pawis gamit ang aking damit.

"Yuck! Go away!" Itinulak ko agad siya.

Tumigil naman si Kuya at kinuha ang aking bottled water. Binuksan niya iyon at ininom kaya ibinalik ko ang tingin kay Trey.

Wala namang pinagbago kay Trey ah. Ganoon parin naman siya, madalas paring tumawa... Ngumingiti parin sa akin pag nagtatama ang aming mga mata, pero ba't biglang nagbago? What did Isaiah do to me?

Baka siguro dahil si Isaiah ang lagi kong kasama? I haven't try being with Trey for a day. Siguro pag nakasama ko siya ay maliliwanagan din ako sa gumugulo sa akin.

"Kuya, yayain ko kayang makipagdate si Trey sa akin?"

Naibuga agad ni Kiya ang kanyang iniinom at natalsikan pa ako.

"Yuck!" Itinulak ko siyang muli.

Nagsitinginan na sina Castel dito pati sina Ken, Wayt at ang kambal.

"Ew!" Maarte kong pinunasan ang aking braso.

"Sus maka ew..." Saka niya ako muling hinigit palapit sa kanya. "Anong sinasabi mong date?"

Kumalma naman ang aking ekspresyon pero magkakasalubong parin ang aking kilay.

"Like lumabas kami... Gusto ko lang maranasan na makasama siya sa isang araw," sabi ko.

Tumitig ng makahulugan si Kuya sa akin, naninimbang ang mga mata. Ngumuso naman ako.

"Alam ko you're kj so hindi ka talaga papayag-"

"Trey! Pwede ba raw kayong mag date bukas ni Damonisse!" sigaw bigla ni Kuya sa court na ikinamilog ng aking mga mata.

"Ayun!" si Castel iyon na mabilis nakipag-apir kay Silas.

Sumulyap agad si Trey sa akin, nakapameywang habang nakaawang ang labi at mukhang hinihingal pa.

"Payag na, Trey! Ang Kuya na ang nangyayaya oh!" ani Silas.

Sinamaan ko ng tingin si Kuya. Ano bang nakain niya? Ba't niya isinigaw?

"Nakakaawa naman itong si Zera. Pagbigyan mo na ang pinsan namin, Trey. Masisiraan na ata 'yan ng bait sa sobrang pagkabaliw sa'yo," ani Ken at humagalpak agad.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon