Lured
-PrfctlyStbbrnThis chapter is dedicated to Yoon and Jhazmine Anne! Happy birthday and iloveyouu both. Happy reading!
---------Reklamo
Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive sa paglipas ng ilan pang taon. Nakaya ko namang mabuhay nang malungkot kahit na minsan ay hinihiling ko nalang na sana ay magka amnesia nalang ako nang makalimot na.
Walong taon na ang lumipas na hindi ko siya nakikita. On the twenty-forth day of my birthday, I wished for Isaiah's happiness. On my twenty-fifth day of my birthday, humiling naman ako na sana ay maging maganda ang takbo ng buhay naming dalawa. And the last time I celebrated my birthday, I just wished for my own happiness. This time, I am really moving on. My loneliness isn't healthy anymore. I am having nightmares and worst I can no longer sleep. Hindi ko alam kung nasobrahan ba ako sa kape o ano.
I already accepted the pain and the love that wasn't for me. Sapat na siguro ang walong taon? I should start dating, I guess...
"Ma-Mi..."
"Dada..."
"Say, Ma... Mi!"
"Dadada..."
Iyon ang naabutan ko sa bahay ni Nana nang bumisita ako at iniwanan muna ang Cafe. Napangisi agad ako sa boses ng kanilang one year old na anak na si Trench.
"Magaling atang magturo si South," sabi ko at inilapag ang aking bag sa couch.Nasa isang matt silang dalawa. Nakaupo roon si Trench habang pinapaligiran ng kung ano anong plush toys na gustong gusto niyang kinakagat at pinaglalaruan habang si Nana naman ay nakasquat din sa harap ng anak.
Marami nang kayang gawin ang kanyang anak. Marunong nang gumapang si Trench, umupo nang hindi ito inaalalayanan, tulungan ang sarili sa pagtayo at medyo nakakapagsasalita narin ng ilang mga salita na minsan ay siya lang rin ang nakakaintindi. Kahit bata pa naman, makikita mo agad sa kanyang mukha na guwapo talaga itong bata lalo na't pinaghalong Delafuente at Buenaventura pa.
Tiningnan ako ni Nana at sumimangot. Nilapitan ko sila. Itinaas naman agad ni Trench ang kanyang mga kamay at gusto nang pumunta sa akin. Kinarga ko ito.
"Hi Trench! Did you miss your pretty Tita?" tanong ko sa pambatang boses.
Hinawakan niya ang aking pisngi at pinisil pa ang aking labi kaya natawa ako. Tumayo naman si Nana, hindi pa nakakaligo at buhaghag ang buhok marahil sa pakikipaglaro sa kanyang anak.
"May emergency ako sa kompanya kaya sa'yo ko sana gustong iwanan. Magagalit rin kasi si South kung iiwanan ko iyan sa maid," sabi niya habang isinusuot na ulit ang indoor slipper.
"It's fine with me. Wala naman akong ginagawa. I'm always free," sabi ko nang sundan ko siya ng tingin na paakyat na sa hagdan.
Nilingon niya ako.
"Bakit kasi hindi kana rin magboyfriend? The last time we ask you, you told us you're still young. You're still twenty-three. Ngayon na twenty-six kana, hindi kana bata. Naunahan ka pa ni Elle!"
Ngumisi ako at itinuon ang pansin kay Trench na kinakagat na ang kanyang hinlalaking daliri.
"I will start dating this year..." sabi ko at hinagkan ang mamula mulang pisngi ni Trench. "I want to have a baby so I need a boyfriend."
"God, Zera! That's not a nice excuse! Baka magpapaanak ka lang tapos iiwan mo rin!" si Cana na umalingawngaw na ang boses sa second floor ng bahay.
Tumawa ako at kiniliti ang leeg ni Trench. Hinuli niya ang aking kamay at handa na iyong isubo dahil sa nakabukas na bibig.
BINABASA MO ANG
L U R E D (NGS #5)
RomanceZera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to fall inlove with her. Sa larangan ng pangmamanipula at pang-aakit, nangunguna ang kanilang pamilya...