5th Lured

111K 3.3K 2.1K
                                    

Lured

Food Market

Pagkatapos ng kantang iyon ay nagpasalamat rin naman sila sa mga nanood pagkatapos ay bumaba rin at nauna pa talaga si Isaiah na umalis. Ilang sandali lamang ay nagbeep ang aking cellphone.

Mabilis ko iyong chineck. Ni hindi ko na namalayan ang nauna niyang text kanina.

Unknown:

Pumasok ka sa cafe.

Unknown:

Where are you?

Magtitipa na sana ako nang may kumalabit pa sa akin.

"Hi! Ikaw iyong bago 'di ba?" Ngumiti sa akin iyong nagpapasok kanina.

Tumango ako sa kanya at tiningnan iyong inilalahad niyang cellphone.

"Pwede ko bang makuha ang number mo para pag may ganitong event iuupdate nalang kita nang hindi ka mahirapan," aniya.

"Pwede rin siyang maging admin," iyong isa namang mala nerd.

Tumango iyong nagpapasok sa akin.

"Oo pwede kung gusto niya..."

Kinuha ko ang kanyang cellphone at itinipa ang aking number.

"Ikaw ang leader ng fans club noong banda?" tanong ko.

Tumango naman agad ito.

"Yes ako... Pero marami kaming sumusuporta. Sumusunod talaga kami kung saan sila kumakanta lalo na at madalas silang naiimbitahan o kaya may sinasalihan silang competition."

Tumango ako at hindi na gaanong nagbigay ng opinyon saka ibinagsak ang tingin sa cellphone kong may panibagong text.

Unknown:

Wala ka rito sa cafe.

Tumayo na ako.

"Aalis kana?"

"Yep..." tipid nalang akong ngumiti habang iwinawagayway na ng iba sa akin ang kanilang mga kamay for a goodbye.

"Ano palang name mo?" sigaw pa noong Joy.

Nilingon ko sila sa kalagitnaan ng aking paglalakad.

"Zera," sabi ko na ikinangiti nila sa akin at kumaway muli.

Natuyo na ako lalo na't kanina ay medyo basa pa naman sana ako. Wow... Hinayaan kong maulanan just because Isaiah is fucking singing! Nababaliw na ba ako? Since when did I started acting so careless?

Nagtipa ako ng mensahe kay Isaiah.

Ako:

Nasa barricade ako banda.

Tuluyan akong lumabas doon. Ilang sandali lang ay nagreply ulit ito.

Unknown:

Punta ka sa backstage.

Lumingon ako sa dulo kung nasaan ang stage. Nagsimula akong humakbang papunta roon. May kung ano nang nangyayaring speech sa stage na hindi ko na masyadong pinagtuunan pa ng pansin.

Ilang sandali lamang ay may humila na sa akin hanggang sa nakita ko ang pamilyar na mukha ni Isaiah. Dinala niya ako sa mismong backstage at pinapasok doon kung nasaan rin nakatambay ang ilan pang mga kasali ata sa event pero doon kami nanatili sa parang maliit na room at may mga nakatambak na gamit.

Humarap siyang muli. Parang may sasabihin na sana siya akin nang bumaba agad ang kanyang tingin sa aking suot. Nanatiling nakaawang ang kanyang bibig at napatitig sa tshirt.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon