Lured
This chapter is dedicated to Shaniah Faith Pareñas Terig. Happy reading!
------------Chance
Habang nagbibihis si Isaiah sa walk-in closet ay pilit ko namang tinatali ang aking katinuan sa akin para hindi na ako layasan pa. Ayokong makita niyang may epekto iyon sa akin. I want him to think that I am just here because of the baby.
And he told me he only wants this to avoid creating a scandal that can stain his name as a lawyer. Kung iyong baby lang naman ang dahilan ng lahat ng ito edi iyon nalang.
But a part of me still hopes for something... Gusto kong isa sa maging rason kaya niya ito ginagawa. Gusto kong magkaroon ng parte sa buhay niya, hindi lamang ina ng anak niya kundi dahil may iba pa.
Isn't that too much, Zera? You're asking too much... Ang kaya niya lang ibigay ay ang responsibilidad niya sa bata. Pero iyong hinihiling mo ay parang imposible na ata.
I just sighed about it. So dito ako for nine months? Anong mangyayari sa siyam na buwan na iyan? Ngayon pa nga lang na wala pang isang araw ay hindi ko na kinakaya ang ginagawa niya, sa mga susunod na araw pa kaya? Baka malunod na ako sa nararamdaman ko para sa kanya at sa huli ay ako na itong magmakaawang h'wag niya akong iwan.
Tinigil ko nalang ang pag-iisip ng ganoon nang mafrustrate na naman ako. Lumabas rin naman si Isaiah. Naka sweatpants na at plain black vneck tshirt na. Hinahawakan niya ang buhok habang lumalabas doon at sobrang guwapo talaga.
Sabay kaming nagdinner noong gabing iyon. Tahimik lang naman kaming dalawa habang kumakain. He's probably tired kaya hindi na masyadong nag-iinitiate ng topic.
O baka naman ayaw niya lang talaga akong kausap?
Siya ang naghugas ng aming pinagkainan. Hindi ko na siya hinintay at nauna na ako sa kuwarto. Humiga ako roon at nagpanggap nalang na tulog na.
Noong pumasok siya ay nakapikit na ako. Kumalabog agad ang aking dibdib. Makakatabi ko siya sa kama. Iniisip ko palang na kaonting espasyo lang ang pagitan naming dalawa ay bigla na akong pinagpapawisan.
Naramdaman ko ang pag-alog ng kama. Dumilat ako at nilingon siya sa aking likuran. Nakita ko siyang nakasandal sa headboard habang may laptop sa kanyang mga hita.
Napansin niya ang paglingon ko kaya tiningnan niya rin ako.
"Busy ka parin sa kliyente mo? Hindi ka nakontento sa date niyo kanina?" matabang kong tanong.
"Let's mind our own business..." sagot niya na ikinairap ko.
Sige ha! Walang pakialamanan! Walang patungan!
Sa aking inis ay hinila ko ang kumot ng marahas. Inangat niya naman ng kaonti ang kanyang binti lalo na't naiipit niya iyon. Ibinalot ko ang aking sarili at umusog pa palayo sa kanya, halos nasa dulo na ako ng kama.
"Careful," sabi niya na ikinairap ko lang at palihim na ginaya ang kibot ng kanyang labi sa maarteng paraan.
Gusto ko nalang maunang matulog. Gusto kong h'wag nang pansinin si Isaiah pero sa tuwing nililingon ko siya at nakikita itong busy parin sa kanyang laptop ay nafufrustrate na naman ako.
"Hindi ka pa matutulog?" tanong ko sa nagkakasalubong na kilay.
Umiling siya, nasa laptop ang buong atensyon.
"You go first," aniya.
Umirap nalang ulit ako. Pumikit ako ng ilang minuto at pinilit ang aking sarili para makatulog pero hindi ko talaga magawa. Isaiah is getting my attention!
BINABASA MO ANG
L U R E D (NGS #5)
RomanceZera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to fall inlove with her. Sa larangan ng pangmamanipula at pang-aakit, nangunguna ang kanilang pamilya...