Chapter 1

422 26 14
                                    

Chapter 1: Pamilya Atorino

Heaven's candle rose with golden daylight, cold wind wrapped the atmosphere and the radio started to play.

It's the second week of the summer of year 2023. Nasa kitchen ako ngayon kasama ang pinsan kong si Benedict. Today is not actually a usual day for us. It's the day that we wanted to forget, like wishing that it never existed at all: the death anniversary of our beloveds.

I placed my hand on the kitchen counter. Patuloy akong nagiging tulala dahil kagigising ko lamang. Ang damit na suot ko kanina ay nasa balikat ko na ngayon, natutulog at hindi inaambala.

Gamit ang isa ko pang kamay, hinilamus ko ang aking mukha. Ang tubig na ginamit kanina pagkagising ay nasa mukha ko pa rin. Some of it are also still on the ends of my hair, slowly dripping into the hard-surface floor. Bumaling na tapos ako sa aking kasama nang tawagin niya ako.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bro... papasok ka ba sa trabaho ngayon?" tanong ni Benedict sa akin.

Tumango ako. "Bakit?"

"Hindi naman papasok si Raze diba? Sasama nalang ako kung ganoon."

"Sigurado ka ba?"

"Mukha ba akong hindi sigurado?" Pinagmasdan ko ang kaniyang seryosong pang-umagang mukha.

I sighed while holding my laughter. Parang galit na galit sa mundo ang mukha niya ngayon o di kaya parang kinasusuklaman ng langit.

Sumang-ayon nalang ako dahil siguradong pipilitin niya lang rin ako.

Binuksan ko ang bintana nang maupo ako ruon. Sinalubong kaagad ako ng malamig na hangin ng umaga at ang mga tinig ng samo-samong sasakyan. Humilig ako sa gilid at natulala sa nakita.

"O! Aba at mas nauna kayong nagising sa akin ngayon."

Kumawala ang mga ngiti sa aming mga labi nang makita kung sino iyon. "Goodmorning po, Tita," ani ko.

"Nagluto na kayo?"

"Tapos na. Kain na po," sambit ni Ben.

Naupo na si Tita May sa hapagkainan habang nagsimula naman si Ben na ilapag ang mga iniluto niya. Pinagmasdan ko lamang silang mag-usap duon.

"Anong oras po tayo aalis?" ani Ben at naupo na rin siya.

"Pagkatapos nito. Ayos lang ba?" sagot ni Tita.

Lumingon siya sa akin. "Ano pa ang tinitingin mo riyan? Maupo ka na, Cris."

Napangiti nalang ako at saka sumabay na sa kanila. Kumain kami nang kumain hanggang sa mabusog kami. Pinagusapan na rin namin kung ano ang mga pwedeng gawin sa araw na ito. Pagkatapos nun, agad kaming naligo at saka nag-ayos.

I wore a black and white striped t-shirt tucked in my usual jet black pants. Nasa loob ako ng kwarto ko ngayon at nakapamulsa habang pinagmamasdan ang paligid sa labas.

Maingay, masaya, nag-iisa ang iba at mayroon ding nagtatrabaho. Bahagya akong napangiti nang makita ang mga batang naglalaro sa ibaba. Hinayaan ko ang hangin na isayaw ang aking buhok at pagkatapos ay napapikit nalang ako.

Ilang taon na rin pala...

Tumunog ang pinto at bumukas ito. Alam ko na kaagad kung sino iyon kaya hindi na ako nag abalang lumingon.

"Cris..." dinig kong sabi ni Ben. "Aalis na raw tayo."

"Kanina pa ba naghihintay si Tita?"

"Hindi naman masyado kaso nasa labas na siya ngayon."

Somebody's Biggest Mistake (Mistake Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon