Chapter 38

23 4 0
                                    

Chapter 38: Early July.

Cris' POV

July 2023

Pinagmasdan ko ang paunti-unting paglayo ng sinasakyan naming barko sa port ng Caticlan. Noong nakaraang linggo naganap ang kasal nila ate Abby at Matthias. Kailangan naming dumalo kaya tatlong linggo kaming nag bakasyon sa Aklan. Pagkatapos ng house party ni Adrian, tumuloy na kami kaagad dito kasama si Cleis, Ben at Tita May.

Pauwi na kami ngayon at medyo mahirap pa rin na umalis sa lugar na ito. I mean it's my province, dito na ako lumaki at dito ko rin nakilala ang halos lahat ng mga kaibigan ko. Not to mention, my awesome childhood in here.

Bumagsak ang mga balikat ko nang medyo hindi ko na matanaw ang lupa ng Aklan. It still hurts so bad, leaving and knowing that I can only come back here by next year. At hindi pa sigurado iyon, baka hindi na nga.

I wonder if our boracay trip with CBP will come. But knowing their situation right now, mukhang hindi na. It's been three weeks since I last saw her, mag-iisang buwan na rin pala. They're still mourning at ayaw ko nang dagdagan pa ang problema nila. I've been writing alone these past few weeks and luckily, I'm close in finishing our book.

"Ayos ka lang? Lalim ng iniisip ah," ani Ben na katabi ko na pala ngayon.

Nilingon ko siya at saka ngumisi. "Kailan pa ba ako naging maayos habang umaalis galing duon?"

Natawa siya at tinapik-tapik ako sa likod.

"Mamaya ka na magdrama. Tinatawag na tayo ni Tita," kantsaw niya.

Kunot noo akong nakasunod sa kanya. Ah... Nakakainis talaga ang isang 'to. Mabuti nalang at wala dito si Cleis para biruin ako, magtutulungan nanaman ulit sila sigurado.

"Nakausap mo na ba siya?" tanong niya sa'kin nang mahagip na namin si Tita.

Umiling ako. "Hindi pa."

"Ganun ba, ilang linggo na ah. Nakausap ko siya kahapon eh. Dalawang oras kaming nag-usap, Cris," pagmamayabang niya at nag ngising aso ito.

Ahh... Hanapin mo pake ko, pre.

"Tapos?" Natawa siya sa sinabi ko at tinapik tapik ulit ang likod ko.

"Ayos lang yan."

Ayos mo mukha mo.

"Kanina pa kita pinapahanap Cris. O sya, kakain na tayo," ani Tita May nang makarating na kami sa kanya.

Kumain kami ng kumain. Hinayaan kami ni Tita na pumurga ng pagkain dito sa barko. Kaya naman, nang makapasok kami sa aming silid, busog na busog na kami ni Ben.

Nasa labas pa rin naman si Tita, nagpapahangin yata. Pwede naman dito eh, tutal, mahangin naman 'tong kasama ko.

"Cris... O, yung mga sinulat mo," aniya sabay lahad sa aking dalawang writing pad.

Nilingon ko siya. "Oi salamat," sagot ko nang makuha na iyon.

Humalukipkip siya sa inuupuang kama at seryoso akong tiningnan. "Binasa ko lahat yan. Mas gumaling ka na ngayon, tama nga sila."

"Binibiro mo ba ako?" biglang bumusangot ang kaniyang mukha sa sinabi ko.

"Ayan ka nanaman eh. Kailan ka pa ba magbabago, huh? Magaling ka nga, maganda pinagsusulat mo. Bulag ka ba? O sadyang hambog lang?" he snapped.

Pinilit kong ngumiti nang humilig ako sa pader habang hawak hawak ang dalawang writing pad ko. Pumikit ako ng mariin para maproseso ang lahat, lalo na ang kaniyang sinabi.

This is always my problem. A problem of not having so much confidence on what I'm doing and what I did. When I'm doing something or should I say writing as an example, they always say it's good. That it's enough, maganda na siya at sapat na sa kanila iyon. But the more I read it, the more I compare it to others, it's starting to get worse. Far from the "good" compliment that they say.

Somebody's Biggest Mistake (Mistake Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon