Chapter 2: Cassiopeia Books and Publishing
Dear Mr. Atorino,
We, the Cassiopeia Books and Publishing, wants to have a deal with you regarding to your works and other projects. We recently read about your debut book entitled "Perilous Change" and all of us were left in amazement upon reading that book. If you are interested in being partners with us, come to our headquarters on April 9,2023 at exactly 11:00 PM.
Sincerely yours,
Mr. Sanin
CEO of CBP"Big time na yan, pre!" sigaw ni Benedict.
"Totoo ba talaga to, Cris?" tanong sa'kin ni Tita May.
Tumango ako. I've been up all night because of that. It kept on bugging ne. Damn... Hindi pa rin talaga ako makapaniwala.
"Opo Tita, legit po yan."
Napangiti ito at saka malambing na tumingin sa akin. "Tanggapin mo yan, Cris, malaki ang magiging epekto niyan sayo."
I chuckled.
"Sa akin lang ba, Tita? Syempre kasama na rin kayo duon," sambit ko naman na mas lalong nagpangiti sa kaniya.
Halos magulantang ako sa ingay ng pagbagsak ng mga kamay ni Ben sa lamesa. Lito namin siyang binalingan ni Tita May at agad na kumunot ang noo ko.
"Kay Tita lang? Paano na kami nila Raze?" he spat then glared at me.
So you still got the audacity to say that, huh? After all those words that you said, titiklop ka ngayon? Nakakatawa.
Nilingon ko si Tita May at bahagyang ngumiti. "Tita, narinig mo ba 'yon? Teka nga po, sino nga ang nag sabi na tigilan ko na ang pagsusulat?"
Natawa nalang si Tita May at saka tinapik tapik ang balikat ko.
"Ayan nanaman kayo, labas na ako diyan," sabi niya at saka tinaas ang dalawa niyang kamay.
Sabay naming pinagtawanan si Ben na lalong namula dahil sa kahihiyan.
Pagkatapos naming mag agahan, agad akong nagtungo sa kwarto para makapag-ayos at para na rin makapaghanda sa meeting mamaya. Sinuot ko ang itim na long sleeve na kailan ko lang binili at saka pinagmasdan ang sarili sa salamin. With a newly shaved face, I parted my lips and practiced a smile and a serious face.
Di ko na talaga alam kung bakit bigla bigla nalang sumusulpot ang mga ganitonh bagay sa akin. Nakakatakot nga lang sapagkat siguradong sakit nanaman ang magiging kapalit nito.
I sighed as I sat down. Napansandal nalang ako sa aking upuan at nag isip ng kung ano habang tinitingala ang itaas.
-
"Lebron James for three!"
"Ayon! Nice!" sigaw ni Benedict habang nanonood ng basketball sa tv.
Agad naman akong naglakad papunta sa kanya at saka hinampas siya ng unan sa mukha. Dumungaw ako.
"The fuck? Magbihis ka na nga!" sigaw ko sa kanya na ikinagulat naman niya.
"Sasama ako?" lutang na tanong niya sa akin.
My lips formed into a thin line as I looked down on him.
"Sige, wag nalang."
Agad itong napatayo at dali daling tumakbo papunta sa kwarto niya, hindi na nga nag abalang lingunin ako.
"Hintayin mo ako, Cris!" sigaw niya bago pa man siya mawala sa dilim.
Pumamewang ako. Umiling pagkatapos at humagikhik dahil sa naging reaksiyon niya.
BINABASA MO ANG
Somebody's Biggest Mistake (Mistake Series #1)
Teen FictionThe life of a young man who wants recognition for his works changed drastically when a company well known for publishing great books settled a deal with him. One fate, one dream, were the thoughts that were residing in his complex mind. With the ble...