Chapter 17: Byaheng Barkada
Cris' POV
"Everything stays... Right where you left it... Everything stays... But it still changes..." tulala akong kumakanta habang naggigitara. (Song: Everything Stays of Adventure Time feat. Olivia Olson)
I can't stop thinking of yesterday... Mukhang inaalipin ulit ako ng mga memoryang hindi na maibabalik pa.
Ilang oras na ang lumipas nang makauwi ako dito sa bahay. Agad akong nagpahinga pagkauwi ko dahil na rin sa pagkapuyat at pagod dulot ng kagabi.
At ngayon, nasa labas ako ng bahay, tumatambay kasama si Ben. Nakahilig ako sa puno habang siya naman ay seryosong nakatunganga sa kalayuan.
Huminto ako sa pagkanta nang marinig ko na may nag text sa akin. Kinuha ko ang cellphone na nasa tabi at saka binuksan iyon.
Shelia: Hello Cris!
Shelia: Hindi ko alam kung gising o tulog ka pa pero may itatanong sana ako.
Shelia: Sigurado na ba kayong sasama kayo sa bahay ni Isaac?
Binasa ko ang labi ko sabay tingin kay Ben na tinatawag ako. Tinaasan ko siya ng kilay pagka angat ng mukha ko.
"Sino yan?" tanong niya.
"Si Lia, pre, bakit?"
Kumunot ang noo niya at umayos sa pag upo. Mukhang seryosong seryoso ka yata Ben, anong nangyayari sayo?
"Ano sabi?" he seriously asked.
I saw him gulped while waiting for my answer. May kinakabahala yata siya kay Lia. At tisaka hindi pa niya sinasabi kung ano ang ginawa nila kagabi sa bahay. He's being weird and mysterious, hindi ko gusto iyon.
"Nag tanong lang naman kung sigurado na ba na pupunta tayo sa bahay ni Isaac."
Napatango siya sa sinabi ko at muling ibinaling ang atensiyon sa kalangitan.
Umiling ako sa reaksiyon niya at tiningnan ko nalang ulit ang cellphone ko. Agad akong nagreply at nag oo sakaniya. Hindi na niya ako nireplyan.
Itatanong ko pa sana kung bakit hindi pa niya ako inaaccept sa Facebook pero mukhang hindi na mahalaga iyon. Baka hindi naman niya binibigyang pansin ang Facebook dahil mas ginagamit niya ang IG at Twitter.
Tiningnan ko ulit si Ben, mukhang nagiiwas siya ng tingin kapag binabanggit ko ang pangalan ni Lia at bigla bigla nalang itong nagagalit. Kahapon ko pa lamang napansin ito dahil sa kaniyang kinikilos. May gusto ba siya kay Lia?
"Hoy Ben!" tawag ko sa kanya.
"O?" aniya at diretso akong tiningnan sa mata.
"Ano ang ginawa ninyo ni Lia sa loob ng bahay kahapon?"
Umiwas siya ng tingin sa akin.
"Wala lang, ba't ba ang kulit mo, huh?" unti-unting lumakas ang kaniyang tinig.
Tumayo ako at nilapitan siya. Nakatuon ang dalawang mata ko sa kanya, seryoso at hindi matitinag.
Ilang beses ko na siyang tinanong pero wala pa rin akong naririnig na malinaw na sagot.
"May nangyari ba? Ba't ganyan ka kung umasta?"
Umiwas ulit siya ng tingin sa akin sabay kagat ng ibabang parte ng kaniyang labi.
Hindi siya umimik at sa tingin ko ay wala siyang balak.
"Ben!" sigaw ko at gulat siyang lumingon sa akin.
"Ano ba ang problema mo dun ha? Nag usap lang naman kami at wala ng ibang nangyari," aniya, galit na rin siyang nakatitig sa akin.
Kinamot ko ang batok ko bago mag salita. Hindi na rin naman ako seryoso ngayon dahil mukhang totoo naman ang kaniyang sinabi. Nag usap lang sila... Wala naman yata siyang magagawang masama...
![](https://img.wattpad.com/cover/202697637-288-k102883.jpg)
BINABASA MO ANG
Somebody's Biggest Mistake (Mistake Series #1)
Teen FictionThe life of a young man who wants recognition for his works changed drastically when a company well known for publishing great books settled a deal with him. One fate, one dream, were the thoughts that were residing in his complex mind. With the ble...