Chapter 10

28 11 12
                                    

Chapter 10: Win or Lose

"If you ever get to choose on what's right and what is fun, always choose both." I stopped for a moment and looked at her.

"Because being right while you're enjoying everything about it is probably the greatest feeling in the whole world."

Lia is now smiling even better than before with her two hands holding her cup of hot chocolate.

"I may have been right in my decision of going to America, but I didn't enjoy it very well. So I guess, you're right," aniya.

"Geez, just smile and be patient tapos baka..." tiningnan ko siya at tinaas-taas ko ang kilay ko.

"Baka ano?"

"Baka makikita mo na rin yung taong magpapaligaya ng husto sa'yo," sambit ko at kumawala ang ngiti kong abot langit.

Natawa nalang siya sa sinabi ko at hinagis pa niya ang maliit na unan na nasa gilid niya sakin.

"You're out of your mind," tugon niya habang taimtim na tumatawa.

"O bakit? Tama naman ako ah," kantsaw ko naman sa kanya at hinagisan niya ulit ako ng unan.

"Makasabi ka niyan, may girlfriend ka na noh?" pabirong tinanong niya na nagpagising sa akin.

"Wala p-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang may nagsalita sa pintuan.

Sabay kaming lumingon ni Lia sa pintuan at bumungad sa amin si Isaac.

"Am I interrupting something?" sambit ni Isaac na nakatayo sa pintuan ngayon, may dala dala itong donut at pizza.

"Nandito ka na pala, come in," tugon ni Lia at tumayo na ito at saka pumunta sa kaniyang desk.

"Oh hello tol," sabi niya sa akin nang makita niya ako.

"What's up?" tugon ko naman sakaniya.

"Eto, problemado," maikling sagot niya.

Agad itong naghubad ng sapatos pagkapasok nito at saka naglakad papunta sa counter.

"Sorry nga pala kung natagalan ako, nasira yung kotse ko sa daan," pagpapaliwanag niya sa amin.

"Nasaan na kotse mo ngayon?" tanong ni Lia kay Isaac, hawak hawak nito ang mga writing pad at ang mga panulat.

Agad naman akong tumayo at saka kinuha ang mga dala dala niya. "Ako na, Lia," ani ko.

"Pinaayos ko nalang kay manong driver nang matagalan ako sa kakaayos sa daan," he said, looking in despair, holding the box of donuts and pizza and a bottle of wine.

"Nakalimutan mo nanaman yung pangalan ni Tito Max," sambit ni Lia na nakangiti pa rin ngayon at sabay namin na nilapag ang kaniyang dala dala kanina sa mesa na nasa harapan ng sofa.

"Hayaan mo na nga, Lia," biro naman ni Isaac na naglalakad na ngayon papunta sa amin. "Tol, pakidala nalang yung alak," dagdag pa niya na agad ko namang sinunod.

"Marami na ba ang naisulat niyo?" he asked as he sat down.

"Marami na pero nag uumpisa palang yung kwento," sagot ko nang makabalik na ako.

Umupo na kaming tatlo at saka nag umpisa sa aming gawain. Naging abala kami ni Lia sa pag ayos ng mga ginawa namin habang si Isaac naman ay binabasa ang kwento mula sa umpisa.

Ilang minuto ang lumipas at bigla bigla nalang itong nagsalita.

"This is some good shit. I'm not kidding, its really good," ani niya habang kumakain ng pizza at nakathumbs up pa ito.

Somebody's Biggest Mistake (Mistake Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon