Chapter 53

23 4 0
                                    

Chapter 53: The Last

"Sinagot na ba niya?" tanong sa akin ni Ben na katitipa lang sa cellphone niya.

Umiling ako. "Ilang beses ko na siyang tinawagan. Wala pa rin talaga."

He sighed and went to dial Cris again. Hinawi ko naman ang buhok ko na sumasabog sa lakas ng hangin ngayon. We're on the beach, nalibot na namin ang buong resort pero wala ni isang nakakita kay Cris.

My heart hammered inside me. Pinaghalong kaba at hiya ang nararamdaman ko. Yes, he's missing but what he did earlier was beyond what I can handle. Habang nag aalala ako sa kaniya, sumasabay naman ang utak ko sa pagpapantasya.

I tilted my head to look once again. Nahagip ko sila Raze na kinakausap ang isang staff ng hotel. Jun and the others were looking at every restaurant. Nandito naman kami ni Ben kasama si Liam.

Where the fuck is he? Okay naman siya kanina pero bakit ganito. He didn't even let me see that he has a problem. Wala akong napansin na kahit ano maliban sa pagiging suplado at masaya niya. He was problematic in the first few days but after that, he was undeniably normal.

Pumikit ako nang mariin nang makita ulit ang katawan ni Cris sa aking isipan. I kept on remembering his bloodshot eyes, wet body and damp hair. And what bother me the most is the kiss.

Dala ko ang lahat ng iyon nang nasa paanan na kami ng resort. Almost all of us are here now. Ilang ulit na namin siyang tinawagan pero hindi niya talaga sinasagot. It rings but he continued to avoid us.

Sapo ang aking noo, pilit kong inaalala kung nasaan siya maaaring nagpunta.

I first thought about Mt. Luho but it's kinda impossible. Gabi na at bukas pa ang alis namin. If he went there, I'm pretty sure that he's in the police station by now. Well anyway, he's not that stupid to do that.

Baka kila Cristian? Is he in balinghai? But... We already called his Tita and she said that he's not there. What if she's lying? Paano kapag pinagsabihan siya ni Cris?

I tapped Ben's shoulder. Agad naman niya akong nilingon.

"Seryoso ba ang Tita mo?" bulong ko.

"Base sa tono niya, oo."

I sighed for his reason. How can he believe her just like that?

Ngumiwi ako at muli siyang hinarap. "Paano kapag pinagsabihan lang siya ni Cris? Ben! Think about it. Mabait kung titingnan ang pinsan mo kaya sigurado akong mauuto niya ang Tita mo."

He tried to smile but failed badly. Now, I feel like I just embarrassed my self.

"Hindi basta bastang mauuto ang mga tiyahin namin, Lia. Kahit pa na si Cris Atorino na iyon, wala pa rin siyang epekto sa kanila. And besides, si Tita Zamonta na ang nagsabi. Her words are absolute, y'know."

"But Ben-"

"Kung gusto mo talagang patunayan ang sarili mo, edi sige, pumunta ka duon pero hindi kami sasama," suplado niyang sinabi.

I was completely caught off guard by his words. First time niyang maging ganito sa akin kaya mas lalo akong nagtaka. Did their fight made a barrier between them? Because he's clearly not trying to find his cousin. Parang wala lang sa kaniya na nawawala si Cris.

Hindi ko mapigilang dumabog dahil duon. He looked up at me with no emotion on his eyes.

His cousin is missing for three hours but look at him? Ugh! Naiinis ako.

Tinawag ako ng iba nang magsimula na akong lumayo sa kanila. My steps were heavy that my feet sunk in the sand. Nahagip ko ang pagpipigil ni Ben sa kanila.

Somebody's Biggest Mistake (Mistake Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon