Chapter 9: Samantha and Athena
"Aalis ka na kaagad? Ang aga aga," bungad sa akin ni Ben pagkababa ko sa sala.
"Ganyan talaga basta may trabaho na," tugon ko naman sa kanya at napatikhim ito.
Agad akong naglakad papunta kay Tita May at nang madaanan ko siya ay nakangiti itong nagsalita.
"Career na career ah," sambit ni Ben at agad itong napatabon ng ulo nang batukan ko ito.
"Hindi ka talaga puwedeng mabiro," dinig ko na bulong niya ngunit hindi ko na ito pinansin.
Pagkadating ko sa kusina, agad kong nakita si Tita May kaya agad ko rin siyang nilapitan.
"Good morning, Tita," bati ko sa kanya nang napadpad ako sa harapan ng ref.
Binuksan ko ito at saka kinuha ang binili niyang tinapay kahapon.
"Good morning din. Aalis ka na?" ani Tita May, nakatalikod ito habang nagluluto ng almusal.
"O-opo, Tita."
Lumingon siya sa akin at saka napangiti.
"Mag-ingat ka," aniya sabay lagay ng kaniyang mga hinati sa lutuan. "Huwag kang magpapagabi."
"Sige po," ani ko at umalis na ako sa kusina.
Akmang lalabas na ako ng bahay nang sigawan ako ni Ben.
"Bro! Pasalubong ko!" sigaw niya na umaapaw sa buong silid.
"Pasalubong mo mukha mo!" sigaw ko rin sa kanya at habang papalabas na ako ng gate ay narinig ko ang sigaw ni Tita May.
Buti nga sa'yo.
Agad akong naghanap ng puwedeng masakyan paglabas ko at nakahanap naman kaagad ako ng taxi.
-
Umabot ng isang oras ang pagpunta ko sa CBP dahil sa traffic. Buti nalang at masayang kausap si manong kaya hindi naman ako nainip sa kakahintay. Ngayon, nasa labas ulit ako ng CBP sa pangalawang pagkakataon.
Pumasok na ako sa loob ngunit bago pa ako pumunta sa opisina ni Lia, dinaanan ko muna ang coffee shop kung saan nagtatrabaho si Cleis.
Mag aalas-diyes na kaya dumadami na ang tumatambay dito. Agad naman akong nagtanong sa staff ng La Caramel(ang pangalan ng Coffee Shop) kung nandito na ba si Cleis.
Napakamot ito sa kaniyang ulo nang tanungin ko siya. "A-ah si Cleis, hindi raw siya papasok ngayon eh," ani nito.
"Bakit daw po?" inosente kong tanong sa kanya.
"Nilalagnat daw."
Nilalagnat? Pft. napakaweak mo naman talaga, Cleis.
"Ah ganun ba, salamat po."
"Sige."
Nilisan ko ang shop na iyon na nakangiting abot langit. Sinasabi ko na nga ba, lalagnatin talaga ang babaeng iyon. Ilang hampas ng tubig ang natanggap niya at nadulas pa ito habang tumatakbo.
Masama man kung masama pero hindi ko na mapigilang matawa.
Patago akong tumatawa habang naglalakad ako papunta sa elevator at nang makapasok na ako duon, agad kong kinuha ang cellphone ko at saka sinabi kila Raze at Ben na nilalagnat si Cleis.
Mabuti nalang at mag-isa ako dito sa loob dahil kung hindi, baka pagtatawanan ako ng mga kasama ko kung makikita nila ako.
Raze: Napakahina
Ben: Sana ayos ka lang @Cleis
Nag-usap kami pagkatapos at nagtulungan kaming tatlo hanggang sa bumukas na ang elevator kaya agad ko namang pinatay ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Somebody's Biggest Mistake (Mistake Series #1)
Teen FictionThe life of a young man who wants recognition for his works changed drastically when a company well known for publishing great books settled a deal with him. One fate, one dream, were the thoughts that were residing in his complex mind. With the ble...