Chapter 16

25 6 2
                                    

Chapter 16: Breakfast

"Promise me Lia... Don't ever fall in love with Cris."

Agad akong nagising nang marinig ko ulit ang sinabi ni Ben. It was reverberating inside my head. I was panting as I woke up, agad ko na binagsak ang mukha ko sa aking dalawang palad at saka pinalis ang mga pawis na namumuo sa aking noo.

Inayos ko ang sarili ko at humilig sa aking higaan. And then I realized, I'm inside my room...

I smiled when I remembered everything. Last night was probably the best and worst day of my life here in the Philippines. Nawala ako sa sarili ko habang tumatagal ang party but I'm relief na naaalala ko pa rin ang lahat ng nangyari. I'm ashamed of what I did, nangako pa ako kay Ben na hindi ako magpapakalasing tapos hindi ko pa rin naman pala mapipigilan.

Napawi ang ngiti ko. Ginulo ko pa ang buhok ko dahil sa galit at pagkahiya. I look like a mess.

But I wonder, sino ang naghatid sa akin dito? My clothes are completely changed pero amoy alak pa rin ako. Hindi kaya siya rin ang nagpalit ng damit ko? No! Stop imagining things Shelia!

Natulala ako sa aming dingding. Thoughts of yesterday is hunting my mind and Ben's words is probably the worst.

Is he expecting me that I will fall in love with Cris? It's not an impossible thing 'cause he really is a great guy pero hindi ko nakikita ang sarili ko na magkakagusto sakaniya.

Agad kong yinakap ang dalawa kong tuhod at binagsak ulit ang aking mukha duon. After my mental breakdown, kinuha ko ang aking unan at sumigaw duon. Agad kong tinapon iyon pagkatapos kong sumigaw at saka humilig ulit sa higaan.

Tumunog ang cellphone ko at malamya ko iyong kinuha.

Mama is calling me...

"Good morning, Shelia!" bati ni Mama sa kabilang linya.

"Good morning, ma..." sagot ko at bakas ang pagkapagod duon.

"Are you okay?"

"Yes po," I lied. "I just woke up lang po kasi."

"Your dad called in the middle of the night. Hindi ka pa rin daw umuuwi and then he called again an hour after that, lasing na lasing ka na raw."

I gulped as she said that, mukhang maaga pa akong may misa ngayon.

"Ahh yes, that's true... but mom I-"

"Hindi ako nagagalit, Shelia," may diin ang kaniyang pagkasabi ngunit marahan pa rin ito. "I was just worried, don't do it again okay?"

Napatango tango ako mag isa ngayon.

"O-okay po. Hindi na mauulit."

"You're still allowed to party, of course. Pero make sure na tatawag ka, ayaw kong makita kang hinahatid ng lalaking hindi mo pa gaanong kilala."

"Po?" gulat kong sabi sakaniya.

"Hinatid kayong dalawa ni Isaac ng isang lalaki na hindi ko pa nakikilala. Ang sabi ni papa mo, taga dun daw sa pinuntahan mong birthday party at wala akong dapat na ikabahala."

Wait! Imposibleng si Ben ang naghatid sa akin dahil sobrang lasing din niya kagabi. Pwede rin si Raze pero hindi siya marunong mag maneho ng kotse. That means... Si Cris ang naghatid sa amin dito.

Pero mukhang lasing na lasing din siya kagabi. Hindi iyon imposible ngunit malaki ang tyansa na siya nga.

"Are you still there, Shelia?" tanong ni mama nang hindi ako makasagot.

"I'm still here po..."

"Okay, I'll be going now. Could you kindly tell your dad to answer my calls? Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot."

Somebody's Biggest Mistake (Mistake Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon