Chapter 8: Pakwan
April 12, 2023
Kagigising ko lang at mukhang maganda ang araw ko ngayon. I am actually topless and just casually wearing my boxer shorts kaya nilalamig ako, ito na ata ang parusa kapag buong gabi kang nag electricfan kahit malamig naman.
I got up of my bed and just stayed there and prayed. Pagkatapos kong magdasal, agad kong kinuha ang salamin ko at sinuot iyon saka sumuot ng puting t-shirt.
Tumayo na ako at nag workout. This is like what I always do every day. Hindi ko naman puwedeng pabayaan ang katawan ko.
Nang dalawin na ako ng gutom, nagpahinga ako ng sandali at saka bumaba na.
Kahit nasa itaas palang, rinig na rinig ko na ang mga pamilyar na tawanan at tinig. Hindi ako puwedeng magkamali, nandito nga sila.
Dahan dahan akong bumaba at bumungad kaagad sa akin ang mga nagtatawanan at kumakain na mga patatas.
Agad akong napansin ni Raze kaya sumigaw ito.
"O! Gising ka na pala!" sigaw niya sa akin.
Tiningnan ko lang siya nang masama at natawa naman ito.
"Shh, Raze... Ang aga aga gumaganyan ka na," suway ni Cleis sa kanya.
Agad akong napangiti sa kaniyang sinabi, ang aga aga rin siyang sinumpong ng kabaitan. Nakakagulat.
"Mabait na bata ka yata ngayon, Cleis," sambit ko sa kanila.
"Alam mo namang pagod yan sa date niya kahapon. Ang bilis nila eh nuh?" dagdag niya.
Kasing-bilis ng kidlat ang pagkapawi ng aking ngiti. Nagkamali ulit ako. I glared at the two before sitting in front of them. Ano pa ba ang aasahan ko sa kanila?
The table was empty with food when I arrived. Ilang sandali kong tinitigan ang dalawang nakatitig din sa akin bago ako naupo ruon.
Someone's missing but... Oh yeah! I don't care. Morning really makes me really unbothered.
Nagkatabi na kaming tatlo bago ko nakita si Ben, dala na ang ulam at kanin. Duon palang bumalik ang pale ko sa kaniya. "Teka! Anong date ha?!" bungad niya sa likuran.
Tiningnan ko siya na parang hindi makapaniwala. "Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi niyan," ani ko.
He drawled. "Biro lang yung kahapon na yon," tugon niya at saka nilapag ang kaniyang dala dala sa lamesa.
"Anong sinabi niya?" biglaang tanong ni Cleis.
Nilingon namin siya.
"Napakachismosa mo talaga," sabay na sabi naming tatlo at sabay din kaming natawa.
She raised an eyebrow. I grinned more when I saw how offended she was.
Inirapan niya kami at saka isa isa kaming hinagisan ng pira-pirasong kanin. "Ang sama niyo, promise," aniya.
Natawa ulit kami.
Bumaling na ako pagkatapos kay Ben nang suntukin nito ang braso ko at saka tumabi na sa akin. "Kumain na nga lang tayo, ang dami pang arte."
Agad kong ginulo ang buhok niya at yinugyog naman siya ni Raze. "Chill ka lang, pre," sambit ni Raze.
"Tama na nga yan," aniya habang tumatawa.
"Nasaan nga pala si Tita May?" tanong ko sa kanila habang kumukuha ako ng kanin at ulam.
"Pumunta sa bayan, kumuha siya ng pera sa bangko. Yan kasi tulog nang tulog," sagot ni Ben, kumuha rin ito ng kanin at isang piraso ng kaniyang nilutong manok.
BINABASA MO ANG
Somebody's Biggest Mistake (Mistake Series #1)
Roman pour AdolescentsThe life of a young man who wants recognition for his works changed drastically when a company well known for publishing great books settled a deal with him. One fate, one dream, were the thoughts that were residing in his complex mind. With the ble...