Chapter 18

18 5 6
                                    

Chapter 18: Ang Simula

Bumungad sa amin ang mansion ng mga Sanin. Ito ang bahay na sinasabi ni Isaac. As expected, malaki ito at modern with spanish architecture na ang ginamit kumpara sa mansion nila Lia. Puti at itim ang kulay nito at mayroon ding mga halaman na nakapaligid sa kabuuan nito.

Mayroong gate at may arko na may pangalan na 'Familia Sanin'. Maganda ang bahay at mukhang inalagaan ito ng maayos, walang bahid ng katandaan at kahit sira manlang.

Kukunin ko ang kursong architecture at mukhang marami akong matututunan sa bahay na ito.

Nilingon ko ang porch, may nakaabang duon na isang matandang babae at dalawang dalaga na nasa likod niya.

"Magandang araw sa inyo," malamig na sambit ng matandang babae.

Sumilay ang ngiti ni Isaac at Lia. "Magandang araw din po nanay Esme," ani Isaac.

Bumati rin si Lia sabay yakap kay nanay Esme. Lumapit na rin sila Athena at Samantha at saka nag mano.

Binaling ni Isaac ang kaniyang atensiyon sa amin. Napalingon din si nanay Esme at ang dalawang babae.

"Mga kaibigan ko po pala. Si Edrian po." Tinuro niya si Ed. "Si Cleis... si Raze at Ben at ang pang huli ay si Cris Atorino, nay, bagong author namin."

Napatango sa amin si nanay Esme at tinalikuran na kami. Sinenyasan kami ni Isaac na sumunod sakanila at agad din naming ginawa iyon. Pumasok kami sa bahay. Ang living room ay nasa kanan lang at ang nasa kaliwa ay mukhang tinatambayan. Mayroong dalawang staircase sa unahan at circular ang parteng iyon.

Dumungaw ako sa itaas. Sinalubong ako ng makintab na chandelier. Mas malaki ang bahay nila kung titingnan sa loob, mayroon pang silid sa gilid ngunit dumaretso na kaagad kami sa itaas.

Dinala kami nila sa second floor. Pagkaliko namin, bumungad ang mga pintuan ng iba't ibang silid. Agad na pumasok si Samantha at Lia sa isang kwarto.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at huminto nang makarating kami sa susunod na pinto na nasa gilid ng kila Lia.

"Nalinis na po ba ang parteng ito nay?" tanong ni Isaac.

Napatango ang matanda. "Kahapon lang namin nilinisan iyan."

Malamig na ngumiti si Isaac at bumaling ulit siya sa amin. "Dito na kayo Cris at kung sino man ang gusto mong makasama."

I nodded and smile. "Sige bro." Then I looked at Benedict. "Ano, Ben? dito ka na rin?"

Kinamot niya ang batok niya at kinulong ang dalawang kamay duon. "Sige ba," aniya.

"Raze, kila Cleis ka na para may kasama sila ni Edrian,"bsambit ko at lumingon sakanya.

Napatango siya. "Gagawin mo nanaman akong thirdweel," bakas ang asar sa kaniyang sinabi.

Tinaasan ko siya ng kilay at natawa siya.

"Joke lang, bro, oo na."

Napatikhim si Isaac at bumalik na sakaniya ang atensiyon naming lahat.

"Ayos na ang lahat. Ah... Ed, ayan ang kwarto niyo." Tinuro nito ang sunod na pinto. "Duon na kami ni Athena sa pinakadulo."

Pumasok kami sa aming kanya-kanyang kwarto. Sinalubong kami ng dagat at sikat ng araw pagkapasok namin duon. Maganda ang napiling puwesto sa amin, tanaw ang karagatan at ang pinakadulong bahagi ng lugar.

Nilapag ko ang mga gamit ko sa lamesa habang si Ben naman ay binagsak ang sarili sa kama. May sinabi pa ito ngunit hindi ko maintindihan.

Umihip ang hangin at sumayaw ang mga puting kurtina. Nakadilat kami sa harap ng maraming masasarap na pagkain sa lamesa.

Somebody's Biggest Mistake (Mistake Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon