Chapter 34: Naked
Cris' POV
"Tita! Aalis na po kami!" sigaw ko nang makababa na ako sa living room.
"Aalis ulit kayo? Nagiging madalas na ah," aniya sa kusina.
Natawa kami ni Ben. Pumamewang siya sabay iling at ginulo-gulo pa ang kulot na buhok.
"Mag d-date po kaming apat, Tita!" sigaw niya.
Nilingon ko si Tita May na kararating lang dito. Naka halukipkip siya habang inaayos ang salamin.
"Kayong apat ba talaga?" bakas sa kanyang tono na hindi siya naniniwala. Tumango-tango kaming dalawa ni Ben. "O baka naman may ibang kikitain?" dagdag pa niya.
Bumagsak ang mga balikat namin at saka ngumisi. "Tita kung meron lang, araw-araw po ako wala dito," kantsaw ko.
Tinapik-tapik ako ni Ben sa likod. "Ayos lang yan, Cris," bulong niya.
Binalingan namin siya. Umintsik ang mga tingin ni Tita at kumunot ang noo. Teka! Hindi talaga siya naniniwala sa'min?!
"Talaga ba?"
"Syempre po, opo."
Ngumiti siya sabay lapit sa akin at inayos ang kwelyo ng itim kong long sleeve. "Pakilala mo nalang sa akin sa sunod."
Tangina naman, o!
"Wala nga po, Tita!" inip na sabi ko.
"Oo na! Sige na, sige na. Huwag ka nang magsinungaling, umalis na kayo," aniya habang winiwisik kami palabas.
Hindi pa rin siya naniniwala?! Pambihira naman!
"Seryoso nga, Tita! Wala talaga-"
"Oo, oo," pamumutol niya.
"Hindi ka naman-"
Tumikom ang bibig ko nang bigla niyang sinarado ang pinto sa aking harapan.
Nilingon ko si Ben na natatawa ngayon. Umiling-iling ako at nang aalis na sana ay biglang bumukas ang pinto.
Sumilip ang mukha ni Tita ruon. "Good luck sayo, Cris. Alam ko namang maganda yan."
Hindi pa ako nakakapagsalita ay sinarado na niya ulit ito.
"May alam si Tita," ani Ben sa isang mapaglarong tono.
Bumuntong hininga nalang ako at nagsimula nang maglakad palabas ng gate. Nakasunod sa akin si Ben. "Buti pa siya may alam. Eh ako nga 'di alam na meron, eh."
Natawa kaming dalawa.
-
"Ay iba!" Pumalakpak si Cleis nang makita kaming pababa na ng taxi. Nasa parking lot kami ng mall ngayon, kanina pa yata sila nag hihintay sa'min.
Tinaasan ko sila ng kilay. "O? Ano nanaman?" bungad ko sa kanya.
"Iba talaga ang pormahan ng isang Cris Atorino," ani Raze na mukhang pormado rin naman. "Naka tucked-in pa talaga, eh nuh?"
Umiling-iling ako at natawa. "Kanina pa kayo?"
"Hindi, ngayon lang. Oo, ngayon lang talaga, Cris. Kanina pa nga kami nag t-text diba?" sarkastiko na sinabi ni Cleis sa akin.
Humagikhik ang dalawang natira.
"Pambihira..." Tinagilid ko ang ulo ko at pumamewang.
"Hoy Cris! Libre mo kami nun," utos ni Raze nang makita ang slurpee machine sa loob ng 7/11.
Naging masama ang tingin ko. "Ano? Ako nanaman? Nakaka-ilan na kayong libre sa akin ah."
"Kakapasok pa nga lang natin dito..." bulong ni Cleis ngunit sinadya niyang marinig ko iyon.
BINABASA MO ANG
Somebody's Biggest Mistake (Mistake Series #1)
أدب المراهقينThe life of a young man who wants recognition for his works changed drastically when a company well known for publishing great books settled a deal with him. One fate, one dream, were the thoughts that were residing in his complex mind. With the ble...