At dahan-dahang nawalan ng kulay ang aking mundo. At kay bilis ng iyong paglisan, ba't nagkaganito? San ba nagsimula ang gulo?
- Akala (Marion Aunor)💜💜💜
Nagmahal, nasaktan, lumayo..
"Tsk!"
Gusto kong matawa sa sitwasyon ko. Ang akala ko happily ever after ang magiging ending namin pero hindi ko akalaing magigising ako na wala na ang lahat.
Sa isang iglap..
Gusto kong itanong kung anong nangyari. Bakit humantong sa ganito?
Pero wala na akong lakas..
💜💜💜
"Maxine, pasensya ka na kung hindi na kita naihatid dyan sa Tierra. Ngayon kasi ang flight namin ni Danica papunta sa Maldives para sa honeymoon." Usal ng aking pinsan sa kabilang linya.
"Okay lang. Kadarating ko lang din ngayon." Sagot ko habang nililibot ng tingin ang kabuuan ng bahay. Moderno ang disenyo niyon at napakagandang tignan pero mukhang napakalaki niyon para sa akin.
"Oh basta, I'm just one call away. Kapag ready kana tawagan mo ako. Kahit pa nasa Maldives na kami at ready to rumble eh isang tawag mo lang uuwi ako kaagad para sunduin ka." Biro niya.
Tipid akong napangiti. "Salamat Kyle." Saka ko pinasigla ang boses ko. "Ingat kayo. Enjoy!" Pero alam kong hindi iyon nakatulong. Ni ang maging cheerful para sa iba ay hindi ko na alam kung paano gawin.
"Siya nga pala, kapag may kailangan ka d'yan sabihan mo lang si Daryl. Siya 'yung bestfriend ko na kinukwento ko sayo. D'yan lang siya nakatira sa tapat ng bahay. Mabait 'yun kaya huwag kang mahihiyang lumapit."
Tumangu-tango ako kahit pa alam kong hindi naman niya makikita. Pinakinggan ko ang lahat ng sinabi niya pero ni isa ay wala akong natandaan.
Masyado akong pinupuno ng mga alalahanin at wala ng ibang pumapasok sa utak ko kundi ang mga tanong na..bakit hindi ako naging sapat?
Pagkatapos ng tawag niyang iyon ay nagtuloy agad ako sa loob. Maaliwalas ang paligid niyon at napakatahimik.
Bagay na bagay sa mga taong pilit tinatakasan ang sakit na dinulot ng unang pag-ibig.
Nilibot ko ang kabuuan ng bahay. Ang sala, kusina, veranda, hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa hagdan paakyat sa unang kwarto. Napakalaki niyon. Agad akong nahiga sa kama. Tumitig sa kisame at wala sa sariling napaluha.
BINABASA MO ANG
Love Whisper (COMPLETED)
RomanceHow to mend a broken heart? Isa ka ba sa mga pinaasa, pinagpalit at iniwan? Siguradong makakarelate ka sa kwento ni Maxine. Isang dalagang walang kulang pero hindi naging sapat. Paano kaya niya muling bubuoin ang sarili? Samahan natin siyang umiyak...