18

44 8 1
                                    

I tried so hard
and got so far
But in the end
it doesn't even matter
I had to fall
to lose it all
But in the end
it doesn't even matter

- In the End (Linkin Park)

💜💜💜

Sasakay na sana ako ng taxi nang makita ko ang isang paparating na sasakyan. Kilala ko kung kanino iyon. Kay Tristan.

Mabilis siyang bumaba at tumakbo papalapit sa akin pero agad ding natigilan nang mapabaling sa hila kong maleta.

"Aalis ka?"

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o hihingi ng tawad.

Sobrang dami ko ng nasaktan. Lahat sila.

"Maxine--" Humakbang siya palapit pero umatras ako. "I'm sorry.."

Ayoko iyong marinig sa kanya. Hindi ang awang nakikita ko sa mga mata niya ang kailangan ko!

"Tama na, Tristan." Pinupuno ako ng sama ng loob at pakiramdam ko ay lalo lang iyong nadaragdagan.

"Nagkamali ba ako? Kasalanan ko bang mahalin ka, Maxine? Kasalanan ko bang aminin ang laman ng puso ko?" Lumapit siya at niyakap ako mula sa aking likuran. "Kung ako ba ang nasa kalagayan ngayon ni Daryl ay magiging masaya ka? Hindi ko ba makikita sa mga mata mo ngayon kung gaano mo siya kamahal?"

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Hindi ko iyon kakayanin." Pagkasabi ko niyon ay bumitaw siya.

"Pero bakit ka aalis? Iiwan mo siya? Paano kung bigla siyang magising at hanapin ka?"

Para bang bigla akong natauhan sa sinabi niya. "Lalo ko lang siyang sasaktan--"

"Pero niligtas ka niya!" Sigaw niya. "Niligtas ka niya dahil mahal ka niya, Maxine!" Napasinghap siya. "Magpapakatanga ako ngayon at makikiusap sayong huwag mo siyang iiwan."

Humarap ako sa kanya pero tumalikod siya.

"Inamin ko sayong mahal kita pero hindi ako nanghihingi ng kapalit. Mahal lang kita at alam kong kahit hindi mo iyon suklian ay mananatili ka parin sa puso ko. Pero ngayong kitang kita ko ang sakit na nararamdaman mo, hindi ako papayag na umalis ka. Hindi ako papayag na saktan mo pa ang sarili mo dahil iiwan mo siya. Please, huwag kang umalis. Mas kailangan ka ngayon ni Daryl."

Ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga. Puno iyon ng sakit at pagpaparaya.

"Tristan.."

"Kung ang paglayo sayo ang magiging paraan para matahimik ka ay gagawin ko. Lalayo na ako sayo Maxine. Pero may isa akong hihilingin bilang kaibigan mo. Please, maging masaya ka. Hindi ko gusto ang makita ka ng ganyan. Masakit man para sa akin pero mas gugustuhin kong makita kang masaya sa piling niya kaysa ang makita kang lumuluha. Puntahan mo na si Daryl."

💜💜💜

Hinatid ako ni Tristan sa ospital.
Nang makarating ay nakita kong nandun na ang Daddy at lolo ni Daryl. Kinakausap sila ng Doctor.

Sinabihan ako nila Danica na pwede siyang puntahan sa ICU bago siya sumailalim sa operasyon.

"Kausapin mo siya, Maxine. Sabihin mong lumaban siya." Si Kyle.

Love Whisper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon