17

46 8 2
                                    

Please just tell me you're alright
Are you way up in the sky
Laughing, smiling, looking down
Saying "One day we'll meet in the clouds"
Up in the clouds

- Clouds (Before You Exit)

💜💜💜

♡♡♡Author's Note♡♡♡
Beware: Nakakaiyak ang buong chapter na 'to. Make sure may hawak kang panyo. Dagdagan mo narin ng sad song sa playlist mo para damang dama mo.

Leave a comment kung naiyak ka. Leave kung hindi.
😆✌
♡♡♡annmaesha♡♡♡

💜💜

DARYL'S POV

Kakapasok ko lang sa loob ng H.U. at nagmamadali ako.

Binilisan ko ang pagpapatakbo hanggang sa magulat ako nang may biglang sumulpot sa harapan ko.

Agad kong tinapakan ang preno kasabay ng mariin kong pagbusina.

BEEEEEEPPPPPPPPP!!!!!!!!!!!

Sa lakas niyon ay halos mapayuko ako sa manibela.

Napakalakas ng kalabog ng dibdib ko.

Nang mag-angat ako ng tingin ay mas lalo akong nagulat!

"Maxine?" Bulalas ko. Tagaktak ang pawis niya. Daig niya pa ang naligo.

Bababa sana ako pero nakita kong  may mga pumalibot sa sasakyan ko.

Anong nangyayari?

Sobrang bilis. Nakakawindang!

Kamuntikan ko na siyang masagasahan kanina pagkatapos ngayon naman ay nakita kong bigla siyang sinampal ni Margaux!

Naikuyom ko ang palad ko lalo na ng hablutin niya sa leeg si Maxine!

Mabilis kong tinanggal ang pagkakayakap ng seatbelt sa aking katawan. Pipihitin ko na sana ang pinto nang makita kong sinipa niya si Margaux sa tyan. Bumagsak ito sa sahig.

Buti nga sayo!

Bumaling ako kay Maxine. Tama 'yan, lumaban ka!

Bumangon si Margaux. Kahit nasa loob ng sasakyan ay dinig ko ang ingay mula sa labas. Para silang pinagsasabong!

Nakatalikod sa akin si Maxine pero kita ko ang panginginig niya.
Si Margaux naman ay nanlilisik ang mga mata. Disperada!

Alam kong nagalit siya sa pag-aming ginawa ni Tristan kahapon. Batid niyang si Maxine ang tinutukoy nito kahit pa hindi niya iyon pinangalanan.

Pero nasaan si Tristan?

Nilibot ko ng tingin ang paligid.

Ang sabi niya ay kaya kang protektahan ng Guardian of Stars and Universe mo. Pero nasaan na siya ngayon?

Parang gusto kong manuod na lang hanggang sa dumating siya na parang si Superman.

Love Whisper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon