Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na makita kang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka
- Kung 'Di Rin Lang Ikaw (December Avenue feat. Moira Dela Torre)💜💜💜
"Umuwi ka na."Tumikhim ako. "Hmn." Saka ako tumango kahit pa hindi niya iyon nakikita.
Gusto ko mang makauwi na ay hindi ko naman alam kung paano. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako. Napayuko ako kasabay ng pagdating ng isang nakakasilaw na sasakyan.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong huminto iyon sa tapat ko. Kilala ko kung kanino iyon.
"Pinasundan kita kay Daryl. Please, umuwi ka na." Pagkasabi niya niyon ay naputol na ang linya.
Hindi ko alam kung nananaginip lang ako. Naramdaman ko ang paglamlam ng mga mata ko nang makita ko ang pagbukas ng pinto. Para iyong nagslowmo sa paningin ko hanggang sa iluwa niyon si Daryl. Bumaba siya saka niya ibinukas ang payong. Makailang ulit siyang humakbang papalapit bago huminto.
Saglit niya akong binalingan pero mabilis din nag-iwas ng tingin. "Let's go."
Ramdam ko ang pangingilid ng mga luha ko. Bigla ko kasing naalala noong sinundo ako nila Mommy at Daddy sa Tierra. Tumakbo ako nang napakalayo noon pero nasundan parin niya ako.
Huminga ako ng malalim bago tumayo at humakbang. Takut na takot ako pero ang lahat ng 'yun ay nawalang bigla nang makita ko siya. Ang totoo ay gusto ko siyang salubungin ng yakap pero pinigilan ko ang sarili ko.
Saglit kaming nanatili sa ganuong pwesto. Tanging huni ng hangin at lagaslas ng ulan ang nagbibigay ingay sa paligid.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Alam kong masama rin ang loob niya sa mga nangyari kanina. Walang anu-ano ay hinawakan niya ang kamay ko saka niya ipinasa ang hawak na payong. Tumakbo siya kaagad pasugod sa ulan nang maibigay iyon. Umikot siya sa kabilang pinto ng sasakyan at doon pumasok. Sinundan ko siya ng tingin. Hindi parin makapaniwalang nandito siya.
Nang makapasok siya ay sumunod na din ako. Umupo ako sa passenger seat. Isinukbit ko kaagad ang seatbelt bago ko siya nilingon. Basang basa siya ng ulan.
Parang kinurot ang puso ko pero hindi ko iyon ipinahata. Kanina ay galit na galit ako sa kanya pero nang makita ko siyang nakatayo sa harapan ko pakiramdam ko nawala ang lahat ng iyon.
💜💜💜
Pareho kaming walang imik habang binabagtas ang napakahabang daan pabalik sa Tierra.
Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Gusto kong mag thank you pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
Huminga ako ng malalim. "Thank you."
"I'm Sorry."
Halos sabay naming sabi. Nagkatinginan pa kami dahil doon. Medyo awkward yun.
Itinabi niya ang sasakyan at inihinto.
Pareho kaming nakabaling sa kung saan.
"Sorry." Usal niya. Sinsero iyon. "Sorry dahil masyado akong nakialam sa buhay na meron ka. Hindi ko naisip na lumalagpas na pala ako. Nakalimutan kong ilugar sa tama ang pagkakaibigan nating dalawa. Nasanay lang siguro ako na.." Natigilan siya. "..na ako lang ang nasa tabi mo palagi at naninibago ako dahil hindi na lang ako ang kaibigan mo ngayon."
"Daryl, alam kong nag-aalala ka para sa akin dahil nakita mo ang lahat ng hirap at sakit na pinagdaanan ko. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sayo dahil alam kong ayaw mong makita ulit ako ng ganun. But I assure you, kaya ko na."
BINABASA MO ANG
Love Whisper (COMPLETED)
RomanceHow to mend a broken heart? Isa ka ba sa mga pinaasa, pinagpalit at iniwan? Siguradong makakarelate ka sa kwento ni Maxine. Isang dalagang walang kulang pero hindi naging sapat. Paano kaya niya muling bubuoin ang sarili? Samahan natin siyang umiyak...