9

94 9 1
                                    

Your skin,
Oh yeah,
Your skin and bones
Turn into something beautiful
And you know
For you I bleed myself dry,
For you I bleed myself dry
- Yellow (Coldplay)

💜💜💜

May nagugustuhan na si Maxine?

"Tsk! Sino naman kaya ang lokong 'yun?" Mahinang anas ko habang naglalakad sa hallway.

Kung ganun ay nakamove-on na siya?

Hanep! Ang bilis ah.

Natigilan ako.

Pero di ba dapat mas maging masaya ako dahil nakamove-on na nga siya?

Dumiretso ako sa parking area pero hindi pa ako umuwi. Naghintay ako doon. Gusto kong malaman kung sino ang bago niyang kinahuhumalingan!

Kahit parang stalker ang dating ko ay matyaga ko siyang hinintay.

Nakasilip ako sa tinted na bintana ng aking sasakyan habang tanaw ang kotse niya sa hindi kalayuan.

"Daryl, pwede mo bang alamin para sa akin kung sino ang lalaking 'yun?"

"Maghintay ka lang, Kyle." Bulong ko.

Maya-maya pa ay nakita ko na siya. Medyo kinabahan ako dahil baka makita niya ako. Ang sasakyan ko. Pamilyar kasi iyon sa kanya. Pero nakita kong nagtuluy-tuloy lang siya ng lakad. Hindi man lang lumingon sa direksyon ko.

Nagpabaling baling ako sa paligid pero mukha namang walang nakasunod sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag. Baka naman guni-guni lang iyon ni Kyle?

"Paranoid."

Sinundan ko siya ng tingin hanggang hilain niya ang pintuan ng kanyang sasakyan. Papasok na siya nang bigla siyang matigilan.

Para iyong nagslow-mo. Nakita kong pumihit siya patalikod. Kumaway sa papalapit na si...

Tristan?

Mabilis kong naibaba ang bintana ng aking kotse. Si Tristan nga!

May ipinasok lang si Maxine sa kotse niya pagkatapos niyon ay isinara niya rin agad. Nilapitan niya si Tristan at sabay silang naglakad patungo sa itim na sasakyan. Sumakay sila doon!

Napanganga ako.

Confirmed!

Gusto kong tawagan agad si Kyle pero parang mas gusto kong hilain palabas ng sasakyan na 'yun si Maxine!

Bakit siya sumama kay Tristan?!

Kilala ko si Tristan. Hindi lang dahil sa nakababata siyang kapatid ni Bea kundi kilala siya dito sa H.U. bilang isang womanizer!

Madali akong bumaba ng aking sasakyan pero huli na para habulin sila. Umalis na sila!

Badtrip!

Agad kong idenial ang number ni Maxine. Gaya ng dati ay unattended iyon.

Sumunod kong tinawagan si Kyle. "Ah, nagpalit na siya ng number."

Nagpalit? Tsk! Move on na move on na nga.

Tinanong ko kasi kung bakit hindi ko na matawagan ang number ni Maxine. Pero hindi ko pa sinabi ang mga nakita ko.

Love Whisper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon