Hindi mapigil ang tibok ng aking puso. Sa tuwing ako'y nakatingin sayo. Maaari bang huwag kang humiwalay. Dahil sandali na lang.
- Huling Sandali (December Avenue)💜💜💜
Ang saya saya ng mag-asawa.
Naglalaro sila sa dalampasigan. Kitang kita kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.
"Bakit hindi ka pa naliligo?" Boses iyon ni Daryl mula sa aking likuran. "Ito na ang huling araw natin dito sa resort pero hindi pa kita nakitang lumusong sa dagat." Sabi niya pero hindi ko siya kinibo. "Pwede bang tigilan mo na yang 'ignoring game' na pinapauso mo."
Binalingan ko siya. "Hindi ka naman magkakagusto sa akin di ba?"
Saka ako nag-iwas. "Mas gusto kong busugin lang ang mga mata ko sa mga nakikita ko."
"Paano ka mabubusog kung hindi mo titikman?" Pagkasabi niya niyon ay hinila niya ako.
"Teka! Bitawan mo nga ako!"
Pero nagtuluy-tuloy lang siya hanggang sa marating namin ang dalampasigan. Napaatras ako ng maramdaman ko ang pagdapo ng tubig sa mga paa ko.
"You need to taste it to feel it." Makahulugan niyang sabi saka niya ako biglang binuhat.
Halos lumuwa ang mata ko sa ginawa niya pero huli na ang lahat para makapagreact. Ibinato niya ako sa maalong dagat!
Langya!
Umubo ubo ako ng umahon. "Papatayin mo ba ako ha!" Asik ko sa kanya.
"Hindi ka mamamatay hanggat nandito ako sa tabi mo."
Para bang uminit ang mukha ko sa sinabi niyang iyon.
"Hindi ka ba marunong lumangoy?" Lumapit siya pero umatras ako.
"Marunong ako!" Sabi ko saka ako naglakad habang binabalya ng alon.
"Ahahahha!!!" Halakhak niya.
Natigilan ako saka ko siya sinamaan ng tingin.
"Alam ko na! Hindi ka sanay maligo!"
"Anong sabi mo?!"
"Sorry! Hindi ko alam na takot ka pala sa tubig."
Sinabuyan ko siya ng tubig. Medyo nasinghot niya iyon kaya umubo ubo siya. Napangisi ako sa itsura niya.
Nang makabawi siya ay mabilis niyang hinampas ang palapit na alon. Tumama iyon sa akin. Mabuti na lamang at napapihit ako patalikod.
Basang basa na ako. Gayun din siya.
BINABASA MO ANG
Love Whisper (COMPLETED)
RomanceHow to mend a broken heart? Isa ka ba sa mga pinaasa, pinagpalit at iniwan? Siguradong makakarelate ka sa kwento ni Maxine. Isang dalagang walang kulang pero hindi naging sapat. Paano kaya niya muling bubuoin ang sarili? Samahan natin siyang umiyak...