14

52 7 0
                                    

Kahit sandali
Palayain ang pusong di mapigil
Sanay tayong dalawa
Sa huling pagkakataon
Na ika'y magiging akin
- Huling Sandali (December Avenue)

💜💜💜

"Maxine, namiss kita!" Si Danica. Niyakap niya ako.

Kadarating ko lang galing sa school.

"Kamusta ang lola mo? Okay na ba siya?"

"Hmn. Kakalabas lang niya ng ospital. Malakas na ulit siya ngayon at masigla."

"Mabuti naman kung ganun."

"Kamusta ka naman dito?"

"Okay naman ako." Paniniguro ko. Masaya ako dahil dumating na sila.

Halos dalawang linggo silang nawala. Mabuti na lang at magaling na ang mga sugat at pasa ko. Nagfade na ang mga iyon.

"Alam mo bang ilang araw pa lang kami doon ay halos hindi na mapakali si Kyle. Nag-aalala siya ng husto sayo." Umupo siya gilid ng kanilang kama. Sa ibabaw niyon ay ang napakadami nilang gamit. Inaayos niya at tinatanggal sa maleta.

"Nag-aalala ako pero alam ko namang hindi siya pababayaan ni Daryl." Ani Kyle.

"Speaking of Daryl, 'di ba bukas na ang birthday niya?" Tanong ni Danica.

Birthday?

"Teka.." Naghalungkat siya na para bang may hinahanap. "Mukhang nakalimutan ko na yata kung saan ko nailagay 'yung regalo mo sa kanya, love. Itinabi ko lang 'yun dito eh."

"Ano ka ba, love, pinaghirapan kong bilhin 'yun. Tignan mo, baka nandyan lang." Kakamut-kamot na sabi ni Kyle.

Maging siya ay naghanap na din sa bulto ng mga nagkalat na gamit.

"Ayun! Nakita ko na!" Akala mo ay nakabingwit siya ng kayamanan.

Maliit na box iyon. Kulay asul at nakaribbon ng kulay ginto.

"Ano ba kasing laman niyan?" Usisa ni Danica.

"Sikretong malupit! Wahahahha!!!!! Siguradong matutuwa siya dito!"

"Baka kalokohan nanaman 'yan ha? Tandaan mo, bubuksan niya ang ilang regalo sa harap ng madaming tao bukas. Pili lang 'yun at siguradong mga galing lang sa mga taong malalapit sa kanya. Ikaw ang bestfriend niya kaya hindi malabong mapili niya ang ireregalo mo. Umayos ka, love."

"Love, alam mo bang ito ang regalong magiging pinakaespesyal bukas?" Kumikinang ang mga mata niya.

Ang totoo ay duda ako sa mga sinabi niya.

💜💜💜

Birthday niya bukas.

Lulan ako ng aking sasakyan nang bigla ko iyong maalala.

Pero bakit ko ba 'yun iniisip eh hindi naman ako invited?

Love Whisper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon