At nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan
Sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nang ako'y ituro mo
Siya ang panalangin ko- Tagpuan (Moira dela Torre)
💜💜💜
MAXINE'S POV
Nakita ko siyang napakalalim ng iniisip.
Humakbang ako at niyakap siya mula sa kanyang likuran. Agad niyang hinawakan ang mga kamay ko at itinapat sa kanyang puso.
He's been through a lot. Gusto kong pagaanin ang loob niya kahit sa simpleng yakap na kaya kong ibigay.
"Anong iniisip mo?" Tanong ko.
"Ikaw at ako." Sagot niya saka niya dinampian ng halik ang aking kamay. Pumihit siya paharap sa akin. Hinapit niya ang baywang ko at akma akong hahalikan.
Pumikit ako upang hintayin iyon pero hindi ko naramdaman ang paglapat ng labi niya. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Calvin.
Itinulak ko siya mula sa pagkakayakap sa akin at hinanap ko si Daryl pero hindi ko na siya nakita.
Napabalikwas ako ng bangon.
Isang panaginip.
💜💜💜
DARYL'S POV"Alam na ba ni Maxine ang plano mo?" Tanong ni Bea. Kakatapos niya lang tignan si Mommy.
"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Natatakot akong baka.."
"Baka hindi siya sumama at pumayag sa proposal mo?" Batid ko ang pait sa kanyang mga mata. Mula ng banggitin ko ang plano kong ayain si Maxine para magpakasal ay naging mailap siya.
"Gagawin ko ang lahat mapapapayag ko lang siya. Gusto ko siyang makasama, Bea. Gusto kong sabay naming abutin ang mga pangarap namin sa America. Magiging magaling akong Doktor at siya naman ay magiging mabuting may bahay ko." Napakasarap isipin niyon kahit na alam kong wala akong katiyakan kung anong mangyayari.
Humugot siya ng isang malalim na hininga. Lumamlam ang mga mata. "Hindi na ba talaga pwedeng maging tayo, Daryl?"
Natigilan ako sa sinabi niya.
Inampat niya kaagad ang pumatak na luha. "Kasi hanggang ngayon, umaasa parin akong babalik ka sa akin."
"Bea.." Hindi ko siya gustong makita ng ganito. Totoong minahal ko siya noon pero nagbago na ang puso ko. Si Maxine na ang mahal ko at mamahalin pa habang buhay.
Tumangu-tango siya. Pilit ngumiti. "Ang hirap pa lang mag-mahal ng taong hindi ikaw ang gusto, ano? Ngayon ay alam ko na kung ano ang nararamdaman mo noon. Nasa huli talaga ang pagsisisi."
"Naniniwala akong darating din ang taong itinadhana para sayo, Bea. Siguradong mas higit siya sa akin."
Yumuko siya. "Pero ikaw lang ang gusto ko Daryl, wala ng iba." Umiyak siya.
BINABASA MO ANG
Love Whisper (COMPLETED)
RomanceHow to mend a broken heart? Isa ka ba sa mga pinaasa, pinagpalit at iniwan? Siguradong makakarelate ka sa kwento ni Maxine. Isang dalagang walang kulang pero hindi naging sapat. Paano kaya niya muling bubuoin ang sarili? Samahan natin siyang umiyak...